Saturday, February 19, 2011

                                Ang Aking Talambuhay
                                
(Ivy Q. Victorino)
ivy at si inay
    
 Ako si Ivy Q. Victorino ipinanganak ako sa San Pablo District Hospital noong Oktubre 17, 1994. Ang aking ama ay si Salvador C. Victorino at ang aking ina naman ay si Lolita Q. Victorino. Tatlo kami magkakapatid ang panganay kong kapatid ay si Julie Sarah Q. Victorino at ang pangalawa naman ay si John Q. Victorino, sabi daw ng aking mga tiyahin spoiled daw ako dahil lahat daw ng mahiligan ko ay ibinibigay kaagad at bakit daw yung kakaibang pangalan dahil yung dalawa kong kapatid ay nagsisimula sa letrang “J” at ako naman ay letrang “I” dahil habang nag paparehistro ang aking ama ay nakalimutan ang aking pangalan kasi nagtatalo ang aking ama’t ani sapagkat gusto ng aking ama na ipangalan sa akin ay “Ivy” at gusto naman ng aking ina ay Josephine dahil ang dalawa kong kapatid ay nag sisismula sa letrang “J” eh.. baiglang nakalimutan ng aking ama yung gusto ng aking ina kaya yung gusto na lang niya ang sinunod nito. Nang ako ay dalawang taon gulang na ang aking  ama ay pumanaw na kaya ang nag palaki na lang sa amin ang aking ina, kahit na mahirap kaming alagaan kinaya nya pa rin ito at hindi sya sumuko sa aming magkakapatid.
ako at ang aking pinsan
         Habang ako ay lumalaki lalo daw akong kumuklit sabi ng aking tiyahin at lao na daw ako yung nasa ika-1 antas na ako, dahil hindi daw ako laging nagsusulat ang dahilan ko naman daw sa aking guro “bakit pa po ako magsusulat eh..nakikinig naman po ako at naiintindihan ko naman?” hindi na nag salita ang aking guro, nang palapit na ang aming pagsusulit nakalimutan ko sabihin sa aking ina na may pagsusulit kaming darating, nang sumapit na aming pagsusulit hindi pa ako nag-aaral kasi nakalimutan ko na, hindi naman sa pagmamayabang nakakuha ako ng mataaas na puntos sa aming pagsususlit hindi ko akalaing ako ay makakakuha ng ganoong kataas na marka, naalala ko ng pagkataposko sa pagsusulit eh, halfday pala ako tapos ang aking kuya naman ay walang pasok kaya habang hindi pa kami tapos sa aming pagsusulit ako ay binabantayan nya sapagkat hindi pa ako marunong umuwi mag-isa lamang, nang matapos na amg aming pagsusulit biglang nawala ang aking kuya sa tapat ng aming room, edi ang ginawa ko hinanap ko ito kung saan-saan at hindi ko na ito nakita, napaiyak na ako dahl hindi ko nga makita ang aking kuya mga ilang oras naghintay pa rin ako sa tapat ng aming room hanggang sa mawala ang mga tao doon may lumapit sa akin na isang magulang at tinanong ako kung bakit daw ako umiiyak ang sabi ko naman “hindi ko makita ang aking kuya at hindi din ako marunong umuwi mag-isa papunta sa amin” tinanong ulit niya ako “Neng saan ka nakatira?” sabi ko naman sa “Wawa po” tapos bigla akong niyakad tapos ipinunta ako sa sakayan namin at ako ay pinasakay na, tapos bago ako umalis tinanong ulit ako kung alam ko daw ang papuntang sa amin ang sabi ko naman “opo, tanda ko po ang aming dinadaanan ng aking kuya” at umalis na ang aking sinasakyan nang malapit na kami sa Barangay Hall bigla ko naalala na dito kami nababa ng aking kuya at ako ay pumara na at ako ay nagbayad na ng sa nagkakahalagang piso tandang tanda ko pa yan at piso lang ang aking ibinayad sa pagbaba ko, akoy takot na takot sapagkat pagtawid ko baka ako mabangga ng sasakyan eh, hindi pa naman ako marunong tumawid ng kalsada buti na lang may nakita akong isang lalaki na kasabayan doon sa lalaki iyon at ako ay naglakad na pauwi papunta sa aming bahay. 
jhunny at ako
         Nang ako ay nakauwi na bigla ako tinanong ng aking ina “bakit di mo kasama ang iyong kuya?” tapos ang sabi ko naman sa aking ina “nang matapos ang aming pag sususlit bigla nawala sa tapat ng room namin si kuya tapos hinanap ko po kung saan-saan tapos habang ako ay umiiyak biglang may isang luapit sa akin, tapos tinulungan ako sumakay ng mag-isa lang”, nagulat naman ang aking ina at hindi makapaniwala sa nang yari sa akin tapos ng magtanong ulit ang aking ina “paano ka nakatawid nang magisa lamang kung gayon na takot na takot kang lumiban nang kalsada?” ang sabi ko naman ay may roon akong nakitang na isang lalaki na lumiban ng kalsada sumunod ako doon at umuwi na mag-isa sa bahay. Mag gagabi na wala pa ang aking kuya hindi pa ito umuuwi at nag-aalala na aking ina bakit hindi pa daw ito nauwi maya-maya nakauwi na ito at humahagulgol na biglang sinabi sa aking ina na nawala daw ako nang umalis lang daw sya para umihi at sa pagbalik daw nito sa aming room wala na daw ako, kung saan-saan na daw ako hinanap hanggang sa hindi na daw ako makita kaya gabi na ito nakauwi nang makita ko ang aking kuya na nag susumbong sa aking ina, ang sabi ko sa aking kuya “nang matapos na ang aming pasusulit ng paglabas ko wala kana doon tapos hinanap kita kung saan-saan hindi din kita makita” tapos sinabi ko kung paano nga ako nakauwi nang matapos ko ito ikwento sa aking kuya bigla naman ako niyakap at ang sabi sa akin ay “sa susunod hinding-hindi na ulit ako aalis sa tapay ng inyong kwarto sa tuwing pagsusulit nyo”, akala ko kung saan ka na nag punta nag-alala ako mabuti sa iyo simula noon hindi na nga sya umalis. 
ako at si jhunny
             Bakasyon na noon namaaksidente naman ako sa bike ng aking kuya nag uunahan kami ng pinsan ko na makauwi sa bahay eh ang gamit ko pa noon ay bike ng kuaya ko, nang malapit na kami nawala ako ng balanse bigla akong tumumba at ako ay napadali sa gate namin, ng ako ay tumayo na napahawak ako sa aking baba dahil nabali nga ito, nang makita ko sa aking kamay may mga dugo, noong una ayaw ko pa ito ipakita sa aking ina dahil pagagalitan ako nito, ng ipinakita ko naman sa aking ate bigla naman ito nagulat dahil ang dami ngang dugo sa baba ko, kaya dali-dali ang aking ate na pumunta sa kwarto ng aking ina at sinabi nga na ang dami kong dugo, dali-dali naman kami pumunta sa Hospital, naka tatlong stiches ang inabot ko, habang tinatahi ang sakit ai’…, ito ay tanda ng aming paghahabulan ng aking pinsan. 
ivy
        Noong High School na ako pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School dito ko natutunan kung paano makisama sa kapwa at makilahok sa iba at kung anu-ano pa man. Ngayong 4th year High School na ako hinding-hindi ko makakalimutan ang JS Prom namin kahit na hindi kami masyadong marami sa aming pangkat ay masaya pa rin kami papaano, ito ang pinakamasaya kong JS kaysa noong nakaraang taon nakakatuwa talaga ang dami na nag sayaw sa akin kaysa noong isang taon. Hinding hindi ko talaga ito makakalimutanat dito na nag tatapos ang aking talambuhay.

No comments:

Post a Comment