Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Princess P. Alanguilan

                           



        Noong  ika - 9 ng Hunyo, taong 1995 ako ay ipinanganak.  Ang aking mga magulang ay sina Romeo at Vilma Alanguilan. Pinangalanan nila akong…

Princess  Perito  Alanguilan
 aka “Cheng”


Nagkaroon ako ng kambal na kapatid pero sanggol pa lamang sila’y pumanaw na. Ilang taon ang lumipas, nagkaroon ulit ako ng isa pang kapatid, siya ay si Gabrielle. Nasundan pa ito at ang aming bunso ay si Jazmine. Ang aming masaya, maligaya at mapagmahal na pamilya.
ako at aking kapatid na si Jazmine


Sa edad na apat na taon ako nagsimulang mag-aral. Kinder 1 at Kinder 2 sa Guadalupe I. Dalawang beses akong nag kinder, ayaw pa kasi akong tanggapin dahil bata pa ako noon.

Noong ako’y grade 1 sa Ambray Elementary School, nagging pasaway ako. Sa panahong ito talaga ako nag-umpisang magkaroon ng mga kaaway. Tanda ko pa nga, mayroon akong nakaaway na kapwa ko estudyante, kinuha niya kasi yung aking eraser, tapos nagtataray siya sa akin. Lahat na siguro ng puwedeng gawin ng isang malditang bata nagawa na niya sa akin. Sinugod pa nga ako ng nanay niya. Tinakot niya ako, kesyo lagot daw ako kapag inaway ko pa daw  yung anak niya. Kaklase ko pa nga ngayon yung anak niya pero okay na kami nayon yun naman ay away bata lamang…. May isa pang nanay na nagreklamo dahil umuwing may black eye yung anak niya dahil sa akin. Paanong di ka maiinis sa ganung bata na wala nang ginawa kundi asarin ako?!! Noong araw nay un, kinuha niya yung baunan ko. Inaagaw ko sa kanya, di ko makuha. Sinuntok ko nga. Pagkatapos noon, bigla akong tumakbo sa likod ng aming iskul.


Dahil siguro doon kaya bumaba ang aking seksyon noong ako’y grade 2. Mula seksyon A, naging seksyon C. Naging Masaya naman ako sa seksyon nay un. Sa katunayan nga, nagging honor student pa ako noon. Dahil dito tumaas naman ang aking seksyon. Mula grade 2 hanggang grade 3 naging honor student ako. Sa kasamaang palad, hindi na ko nasabitan ng medalya noong grade 4 hanggang grade 6. Marami kasing kakumpitensya. Tinamad na din siguro ako. Sobrang enjoy ang aking buhay sa elementary. Tanda ko pa nga , mayroon kaming activity na tinatawag na Kid’s Prom. Masayang masaya na kami noon kapag naisayaw na kami n gaming mga crushes. Naging Masaya naman ang aking buhay sa elementary.

        Sa pagpasok ng buhay hayskul, akala ko magiging mahirap ito. Yun pala, hindi ito ganun kahirap, masaya nga eh. Noong  ako’y first year student sa San Pablo Colleges, marami akong natutunan, marami din akong nagging kaibigan, tulad nina Giselle Sacdalan, Reina Balagtas at Andrea Cabrera.. Yung iba plastic, yung iba puwede mong pakisamahan, mababait din naman kasi sila. Lalo na si “Pare”. Tunay niyang pangalan ay Mark Jess. Siya yung una kong naging crush sa iskul na yon. Sa paaralan ding iyon ako unang nagkaroon ng marking 90 sa kard. Dito din ako unang sumayaw sa stage. Karamihan sa mga guro likas na mabait, meron din naming likas na sobrang taray. Mayroon ding sobrang higpit at sobrang papansin. (Hehe) Tanda ko pa, dati puwede kaming tumambay sa library. Bukas lagi ang library para sa mga estudyante. Kwentuhan, minsan nagbabasa. Kapag may activity o may pinasasagutan, doon kami nagpupunta. Palagi ring may misa sa SPC. May maliit kasing chapel doon. Ngunit ng matapos ko ang first year doon, lumipat na ako sa

Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School

 Hindi na kasi kaya ng aking mga magulang ang tuition fee sa SPC kahit na mayroon akong EVS. Nagmahal na kasidoon. Nanibago ako sa takbo ng patakaran sa Dizon high, pati na rin sa iskedyul. Kung dati kailangan pa ng I.D. para makapasok, sa Dizon High kahit wala, okay lang at saka wala ditong security guard. Sobrang luwag o hindi dito mahigpit. Masaya din naman pala dito. Dumami lalo ang aking kaibigan. Halos lahat sa klase puwede mong pakisamahan,kahit na yung iba may kasamaan ng ugali.


Una kong naging ka-close ditto ay sina April Alcantara at Lindsay Alimagno (noong second year, seksyon D). Sobrang salaw ng dalawang yun! Bagamat masalaw, sobrang sarap kasama kaya lang pag minsan nakakainis na…. Naging  Badminton player din ako. Sa panahong kami’y may praktis , nakakaliban kami sa klase. Kasama ko ang aking mga kapwa manlalaro, sila ay sina Diame dela Cruz, Sarah Almeda, Shiara Sabirin, Mark John Carlos, John Paul Morelos, Gilberto Dacdac, at si Kuya Domeng. Kalimitan sa iskul kami nag-eensayo, pag minsan sa Rock 4 Cock. Kapag walang pambayad ang isa sa amin, nag-aambagan kami para makalaro kami lahat. Sayang din kasi ang pagkakataon, minsan lang naman ito mangyayari sa buhay namin.


Naalala ko pa nga during break time na praktis, may tumpok ng kalalakihan kasama nila yung isa kong ka-player doon sa tindahan na katabi lang nung net namin. Nagkukwentuhan sila. Nagbibidahan, puro kayabangan naman, pati ako napapatawa sa pinag-uuspan nila. Nagulat nalang ako ng biglang kinuha nung isang lalaki yung aking cellphone number, tinanong din niya yung pangalan ko. Akala ko naman dun niya tinatanong sa ka-player ko yung pangalan ko, kaya hindi ako naimik. Lumapit yung ka-player ko, pina-type sa cp nung kumukuha yung number ko. John Borris Abril nga pala ang pangalan niya. Pinatanong din niya kung may boyfriend ako, sabi ko wala(hehe). Kinagabihan, nagtext siya kaya lang ang tagal niya magreply. Ilang araw din ang lumipas nakita naming siya ni Lindsay. Tapos, nagkatext ulit kami noong araw na yun. January 14, 2009 ang pinaka-official na ligawan naming. Kinabukasan, January 15, 2009 sinagot ko na siya. Ganun kabilis, pero hanggang ngayon naman kami parin. Pero habang tumatagal lumalabas yung tunay niyang ugali. Mabait naman siya, kaya lang may ugali siyang hindi ko gusto.


Natutuwa talaga ako na kahit minsan nakasali ako sa ganitong event n gaming paaralan at ito ay ang Division Meet. Kaya lang sa di inaasahang pagkakataon, natalo ako. Taga San Cristobal yung nakalaban ko. Meron kasi ako noong araw nay un, tapos wala pang nanood sa akin. Nagpapasalamat parin ako at nakasali ako sa ganun, dahil din dito nakilala ko si Borris. Nakilala na din siya ng aking mga magulang.
       


class picture(third year)
JS picture (third year)


Sa third year, nag-umpisa nang madagdagan ang aking mga kaaway. May nagsasabing ang sama ko daw tumingin, kesyo ang taray daw ng mga mata ko. Kahit na ganun, naging masaya din naman ang taong ito para sa akin.
Nagkaroon kami ng JS Prom. Hindi ko makakalimutan yung first dance ko, si Borris. Nakakahiya nga lang ng kaunti, kasi halos nasa gitna na kami noon, iilan lang ata kaming nagsasayaw. Ganunpaman, memorable ang pangyayaring ito para sa akin.
       

Lahat naman siguro tayo ayaw mapahiwalay kahit isa lang sa ating mga kaibigan. Napahiwalay kasi yung iba sa amin. Kung dati 13 kami, ngayon 9 nalang. Kami nalang nila Janus, Diane, Alvin, Ella, Marec, Rica, April at Lindsay.

Nagpalipat kasi yung isa, si Christina. Sina Ara at Mange napalipat. Ganunpaman, gumagawa parin kami ng paraan para magkita-kita kami. Hindi lang talaga maiiwasang mag-away away. Kaunting ‘di pagkaka- intindihan lang naman ang kalimitang dahilan ng away.






 



aking mga kaibigan
Sadyang napakabilis ng takbo ng oras lalo na sa high school. Parang kahapon lang first year palang kami, pero ngayon ito na, malapit na ang graduation. Tatahakin na namin ang panibagong buhay,  at ito ay ang  buhay sa kolehiyo.


Bagong pakikitungo, bagong pakikisama at bagong mga kaibigan. Sabi nila ‘di madali sa college. Kung sa high school pa-easy-easy lang sa college ‘di aari ang ganitong istilo ng pag-aaral. Kailangang mag-aral talaga ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho. Napaisip tuloy ako, kaya o kaya ito? Masya din kaya sa college?

… Kaya ko ang college at kakayanin ko para matupad ko ang aking mga pangarap.

Para matupad ko ang pangako ko sa aking mga magulang na makapagtapos ng pag aaral, makahanap ng maganda at maayos na trabaho. Tutulong din ako sa pagpapa-aral ng aking mga nakababatang kapatid.

Pangarap ko rin magkaroon ng sariling pamilya at malibot ang magagandang lugar sa  Pilipinas at mapasyalan ang Paris, France.


… See you Paris, France. (after 10 years)

Princess Perito Alanguilan

















No comments:

Post a Comment