Thursday, February 17, 2011

Talambuhay ni "Bien Beryl C. Zamora"

                                                   Ang Aking Talambuhay
                                                                  (Bien Beryl C. Zamora)
Daddy ko hawak si Beverly, ako sa baba ni mommy.
         Ako si Bien Beryl C. Zamora. May isa akong masayang pamilya at nakatira kami sa Brgy. Sta Elena San Pablo City. Ang aking pamilya ay binubuo ng isang tatay na si Bienvinido G. Zamora, isang nanay na si Myra C. Zamora, bunsong kapatid na si Beverly Pauline C. Zamora at ako na kumukumpleto sa kanilang araw-araw.Ako ay ipinanganak sa Doctors Hospital San Pablo City noong Pebrero 9,1995. Nauna akong natuto o nagkaroon ng isip sa loob ng aming tahanan sa pagtuturo  ng aking ama at ina. Hindi ko malilimutan ang pagbabakasyon ko sa Metro Manila Cubao, Quezon City, sa aking tiyo at tiya kung saan na ang aking tiya ay kapatid ng aking ama. Dito ako natuto ng ibang bagay, sila ay may dalawang anak na sina ate Oyse at ate Dessa. Ang pangalan ng aking tiyo at tiya sa Cubao ay sina Papa Ponce at Mama Dessa. Dahil sa ako ay nasa kanilang bahay nais nila na tawagin ko silang Mama at Papa. Noong aking pagbabakasyon sa kanilang anak na si ate Oyse, kaya naman gusto nila akong kuhanin muna dahil wala silang anak na lalaki. Dito ako kaunaunahang nakahawak at nakagamit ng kompyuter at nakapaglaro ng magagandang laruan. Hindi ko rin malilimutan sa pagbabakasyon kong ito sa Cubao noong ako ay bata pa, na lagi ako tinatakot ni Papa Ponce sa lahat ng pagkakataon, at tanda ko pa nga ng tinakot nya ako sa kanilang aso. At nagpanggap rin siyang bampira sa loob ng kotse habang kami lang dalwa ang tao sa loob, at takot na takot ako noon. Dito na rin ako natuto ng larong domino, cards at video games. Sa kanilang tahanan kapag umaalis sila sa pagtatrabaho ay may katulong na nag-aalaga sa akin, walang iba kundi si ate Bebeng, ang makulit kong kalaro doon. Sa aking pag-uwi inihatid nilang tatlo ako sa Sta. Elena at nagpaalam na ako sa kanila.
Ako sa tita ko sa cubao
Ako, 5 yr-old
    Sa pag-uwi ko sa aming tahanan ay malapit na akong pumasok sa paaralan. Ang kaunaunahan kong guro sa paaralan ay si Gng. Magno noong Day Care. Sa umang pasukan ay napakatahimik ko, ngunit makalipas ang ilang araw ay lumabas ang aking pagkukulit. Sa panahong ito ay puro kasiyahan ang aking nadarama, sapagkat puro school activities at pag lalaro ang ginagawa namin. Hindi ko malilimutan ang una kong pakikipag-away sa aking kaklase na si Joven Kando, siya ay ang pinakamalaki sa aming klase. Sa aming pag-aaway ay nag gulong kami sa sahig tapos kami ay nasusuntukan, sa kanyang pagkakatayo ay binuhat ko ang buo niyang bigat at ibinagsak uli sa sahig, ngunit ako ay napagod kaya sa kanyang paganti ay siya ang nanalo kasi pagod ako eh. Hindi ko rin malilimutan ang paggawa ng sand making, kung saan dito ay guguhit ka o babakatin nang napili mong korte, tapos ay lalagyan ng glue o pandikit, at tapos ay ibubuhos ang buhangin. Matapos matuyo ay nakita ko ang kaklase kong hinahampas ng lapis ang kanyang ginagawang sand art, at ginaya ko ito, ngunit sa aking pagkakahampas ay nasira ko ang aking ginawang sand art. Noong panahong iyon ay marami ang nagsasabing makuli, napakakulit o hyper active ikanga ang nagsasabi sa akin. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw kung saan araw-araw ay nakikigulo ako sa aking mga kaklase, guro at mga magulang na nag babantay sa kanilang mga anak. Talagang napakasaya ko noong Day Care ako. At natapos na ang taon na iyon kung saan graduation na namin, nagkaroon ako ng 3rd Honor Medal noong araw na iyon.


Ako noong graduation sa day care at si daddy.
 
Pumasok ako ng elementarya sa mababang paaralan ng Placido Escudero Memorial School. Sa aking pagpasok rito ay lubos kong naunawaan ang mga bagay bagay sa aking paligid, at natutunan ang iba’t-ibang salita. Noong unang baitang ako, naging guro ko si Gng. Castillo ang aming tagapayo. Sa baitang na ito ay nakakilala ako ng mga kaibigan. Kaming dalawang mag kapatid ay dito pumasok nang elemantarya. Sa ikaliwang baitang ay dito ako nag karoon ng pagkatakot sa aking guro, at hindi ko makakalimutan sa baitang na ito ang aking pag lalayas, sa kadahilanang naging masama ang tingin ko sa aking mga kaklase at guro. Sa ikatlong baitang ay nag karoon ako nang pinakamatinding kaaway, kung saan ay muntik ko nang ikamatay. Kaaway ko ito mula noong nasa ikalawang baitang palang ako. Nang ikatlong baitang ako ay takot ako sa kanya sapagkat siya ay malakas sumuntok, at dahil sa lakas niyang sumuntok ay dala ang buo niyang katawan. Hindi ko makakalimutan ang pang yayaring kami ay nagaway at sinuntok niya ko sa mukha. Dahil sa pagiging likas kong masayahin ay tinawanan ko ang malakas niyang suntok sa akin, at sa padalwang pagkakataon ay sinuntok niya ulit ako sa mukha dahil naasar siya sa akin, ngunit ako ay nakailag sa pagkakasuntok niyang iyon, kaya bumagsak siya sa sahig kasama ang buong bwelo at katawan, at nag tawanan kaming lahat. At sa baytang na ito ay dito na ako madalas nagsasasagot sa aking guro o recitation sa bawat pagtatanong ang aming guro, ngunit natigil na ang aking galing sa pag sagot nito lamang 3rd year. Sa ikaapat na baytang ay naging tagapayonamin si Gng. Recaforte. Sa baitang na ito ay may karanasan ako kung saan napabilib ko ang aking guro’t mga kaklase, dahil nakabisado ko ang tatlong pahina ng libro at walang ibang nakagawa kundi ako lamang. Siguro nga hindi nagiging patas ang ibang guro dahil minsan sinasabi nila “mga bata mag-aral kayo at may graded recitation bukas”, ngunit pag kinabukasan na at hindi makasagot ang iba nyang estudyante, ibinibigay na nya ang tamang sagot, paano na yung ibang batang nag-aaral, sayang naman at di nila ipinamalas ang kanilang pinag-aralan, kaya ang iba tinatamad na tuloy mag basa at magaral. Noong ikalimang baitang ako hindi ko malilimutan ang pagawa ng walis ting-ting, basket na gawa sa ratan at ang pagsasayaw ng katutubong sayaw. Sa baitang na ito ay dito ko na natutunan ang ibat-abang arte ng mukha at pagkukunyari. Dahil may kaklase ako na napakakulit, binigyan niya ako ng water gun, at ngayon ay may tigisa na kaming water gun, kapag mag kasama kami ay binabaril niya ng tubig ang nasa unahan namin, tapos ako ang napagbintangan dahil sa magaling nyang pag-arte ng mukha, ngayon ay sinubukan kong gumanti at binaril ko ang taong nasa harapan namin at itinago ko ang hawak kong water gun at nagkunyari na hindi ako ang bumaril, ngayon nakaganti ako sa kanya at siya ang napagalitan ng taong nasa unahan namin, ngayon mas makulit ako sa kanya. Nang ikaanim na baitang na ako, wala ako masyadong naging masayang karanasan. Sa baitang na ito ay natuto akong lubusan sa paglalaro ng ahedres, na kung saan ay walang tumatalo sa akin ng panahong iyon, sa dahilang tatatlo lang kaming grade six ang marunong mag laro. Inilaban kami Ginoong Elop sa ibat-ibang paaralan ngunit sa isang pagkakataon ay hindi na nagpatuloy pa ang aming pagdayo, at doon na tumigil ang aking paglalaro ng ahedres o chess. Natapos na ang aking pagiging elementarya at nakagraduate ako ng maayos at naging walang problema sa aking pagtatapos sa elementarya.
graduation noong elementary.
    At ako ay tumuntong na sa high school, ang paaralang Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School. Noong unang pasok ko pa lamang ng unang taon ko rito, ay maraming nag-aakalang may lahi ako. Marami ang nag tatanong kung may lahi nga ba ako, ano pangabang sasabihin ko, syempre wala. Nang unang taon ko dito ay marami agad akong naging kaibigan sa unang taon pa lang, at dito ako nag karoon ng tunay na pag-ibig at pagmamahal, pagmamahal muli sa larong chess o ahedress. Marami akong naging kaibigan dahil sa larong ito, ngunit hindi rin nag tagal ay pinatigil muna ako nang aking ama na mag laro nito sapagkat nakakaapekto ito sa aking pag-aaral. Sa ikalawang kong taon sa paaralang ito ay meron akong hinangahan na guro dahil sa galing nila sa pag tuturo. Si Miss San Pedro, na maraming nag sasabing mataray daw at Gng. Hitosis na ganoon din daw ay mga hinangahan kong guro. Hindi naman sila naging mabagsik at mataray sa akin, sa katunayan nga ay nakakausap ko pa sila ng pabiro tungkol sa kanilang leksyon. Siguro ay nagiging mabagsik lamang ang mga guro dahil sa mga tamad na estudyante. Sa aking mitinong pag aaral nang ikalawang taon ay tumaas ang aking seksyon noong 3rd year. Naging 4-E ako noong 3rd year na dati’y II-G ng 2nd year ay tumaas. At ngayon na 4th year na ako, sa seksyong D ay nagkakaroon ako ng inspirasyon sa buhay dahil sa mga magagaling na guro ng paaralang ito.
        Hindi ko malilimutan ang gabing ito Pebrero 14, 2011, ay natapos ko ang aking talambuhay ko noon hanggang ngayon sa loob ng dalawang oras.
      Ako na si Bien Beryl C. Zamora ay mag lalahad pa ng talambuhay sa mga darating na pangyayari sa aking buhay.

No comments:

Post a Comment