![]() |
ako at ang aking magulang |
Talambuhay ni Yna San Agustin
Noong ikinasal ang aking ina ay nasa sinapupunan na niya ako. Lima at mag-aanim na buwan niya akong dinadala noon habang siya ay kinakasal. Sa kanyang paglilihi sa akin ay mahilig siya sa maliliit na bagay, kapag siya ay namamalengke na tutuwa siya sa maliit na sibuyas at kamatis. Pinaglihi nya ako sa balot at bigla niyang inayawan ang sisiw ng balot. Kaya nag karoon ako ng balat sa tuhod na kurteng bulaklak.
Ako ay isinilang niya noong ika-31 ng Hulyo taong 1994 sa Crispina Park, Bagong Bayan San Pablo City. Binigyan nila ako ng pangalang YNA SAN AGUSTIN dahil pinagsama nila ang pangalang Yvette Sanciangco at Napoleon San Agustin. Ang letrang Y ay sa aking ina at ang letrang NA ay sa aking ama.
![]() |
kinder ako |
Ako ay inalagaan at tinuruan ng aking ng aking ina hanggang sa ipasok na niya ako sa kinder ng apat na taong gulang at mag lilimang pa lamang ako noon. Hindi pa ako tinanggap sa unang baitang dahil bata pa daw ako kaya pinag kinder ulit ako ng aking ina. Pitong taong gulang na akong ipinasok sa unang baytang sa paaralang Bagong Bayan. Nasa unang baytang pa lamang ay marunong na akong mag bihis at pumasok nang mag-isa dahil inihabilin muna ako sa aking sa aking tiya. Ang tiya ko rin ang nagpapabaon sa akin araw-araw. Malapit lang naman ang bahay ng aking tiya kaya hindi ko na kailangang mag binalot. Pagkagaling ko sa eskwela gagawin ko na ang mga dapat gawin. Pinababasa nya rin ako ng libro nagagalit sya sa akin kapag hindi nya naririnig na nagababasa ako. Hanggang sa ako at nasanay na ko sa araw-araw na ginagawa. Nang mag karoon ng program sa aming paaralan ay kasali ako sa mga sasayaw excited na kasi akong sumayaw noon kaya dinala ko na ang damit na susuotin na alam kong hapon pa naman iyon gaganapin. Hindi ako umuwi noon pumunta muna ako sa bahy ng kaklase ko ang hindi ko alam nag-aalala na pala ang aking ina. Nang bunalik na ako sa paaralan ay naandoon ang aking ina at umiiyak sya akala nya kase may masama ng nangyari sa akin. Napagalitan pa at nakurot tinatanong nya ako kung bakit hindi ako umuwi,meron akong sabit noong iklalawang baytang at noong araw na iyon ay kinuha na ako ng aking ina. Nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na kaming mag kakaibigan kahit di pa kami gaanong mag kakakilala. Nang umuwi na ako sa aming tunay na bahay ay hindi ako kilala ng aking kapatid na si Aries sapagkat bata palang ng mag kahiwalay kami. Pero nalaman din nya na ako ang ate nya. Natatandaan ko dahil sa isinulat ko ay muntik na kong mamatay dahil ang nakasulat ko ay muntik na kong mamatay dahil ang nakasulat ay “sana hindi na lang sya ang tatay ko” nabasa nya iyon nagalit sya sa akinat binugbog ako sinakal pa ko buti nalang napigilan ng aking ina, kaya ko lang naman nagawa iyon ay dahil lagi din niyang inaaway ang aking ina. Noong mga panahong iyon ay walang hanap buhay ang aking ama. Hindi ko rin malilimutan na sa mismong kaarawan ko pa ay nag away sila at sa galit ng aking ama ay naipaltok niya ang baso sa aking mukha na syang dahilan kung bakit ako ay may peklat sa kanang pisngi kaya ang ayoko sa lahat ng okasyon ay ang aking kaarawan sapagkat sumugat na ito sa aking ala-ala. Ayoko na sanang alalahanin pa.Nang sa ikatlong baitang ay inilipat na ako ng aking ina sa paaralang BRANZZA Memorial School na malapit sa aming lugar. Nag karoon na naman ako ng mga bagong kaklase at mga kaibigan mababait naman sila sa akin. Naging paborito ako ng aking guro na si Mrs. Alvero dahil tahimik at masipag daw akong mag aral. Kaya nakakakuha ako ng matataas na marka.Nang mag apat na baytang na ako ay bumaba na ang aking mga marka napabayaan ko ito,kasabay ko ang aking kapatid sa pag pasok sa paaralan minsan nagsasakay kami pag may pamasahe pero pag wala ay maglalakad na lang, masaya rin ang mga nangyari sa akin ng apat na baytang. Ika-limang baytang na ako ay mayroong nanliligaw sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Binibigyan pa nga nya ako ng sulat na may kasamang bulaklak pero hindi ko iyon tinatanggap. Hindi pa rin sya sumusuko kaya sinabi ko sa kanya na wala akong gusto sa kanya, at tumigil na sya sa kakakulet. Ika-limang baytang pa rin ako ay nag karoon ng camping sa Caliraya sa mga girl scout lang at kasama ako doon. Hindi ko alam na may gusto pala sa akin yung kaibigan kong tomboy, kaya ko lang nalaman ay may nakapag sabi sa akin pero hindi ko masyadong inintindi ito dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.Ika-anim na baytang na ko wala masyadong itinuro ang aming guro. Araw-araw na kaming nagbubunot ng damo,minsan wala ang aming guro kaya walang nagbabantay sa amin. Naglaro kaming Spirit of the Glass nag dasl ng limang beses kailangan daw kase nakahanda na kami at may nagtanong biglang gumalaw yung baso natakot kaming lahat kaya tinigil na namin iyon. Marami pang nangyari sa aming magkakaibigan mga masasayang bagay. At gumaraduate na kami yung iba kong kaklase ay umiyak pero ako hindi. Mag kakahiwahiwalay na kaming mag kakaklase.
![]() |
when I was 3years old |
![]() |
my friends and I |
![]() |
ako at aking dabarkads |
Pabilis ng pabilis ang mga araw at malapit na kaming gumaraduate at sisikapin ko pang mabuti para matuwa naman sa aking mga pamilya ko.
No comments:
Post a Comment