Thursday, February 17, 2011

                    Ang Aking Talambuhay
                       (Ricardo Gohok Himor)

           
            Ako si Ricardo Gohok Himor ipinanganak noong setyembre 20 1994 ng aking inang si Celia Himor  sa San Pablo City Laguna. Ang aking ama ay si Resty Himor. Ako ay isang katoliko at puro ang pagiging lahing pilipino. simulat sapol ako daw ay napakamahiyain. 
           

Isang taong gulang 
            Nang ako ay nag isang taong gulang napakasaya ko daw dahil marami akong natanggap na regalo mula sa aking mga ninong,ninang at sa aking mga pinsan. Habang nagkakasayahan sa aming bahay kinuhanan ako ng litrato kasama ang aking mga pinsan at ang aking ina kitang kita na lahat kami ay masaya lalu na ako na kita pa ang ngipin na dadalawa pa lamang.
           
     

Ako sa ikalawang taong
 gulang
        Dumating na ang aking ikalawang kaarawan naging masaya na naman ako sabi ng aking ina dahil sa mga palarong naganap sa aking kaarawa at sa mga handang pinagsalusaluhan ng aking mga ninong,ninang at iba pang mga personalidad na inimbita ng aking mga magulang lahat naging masaya ngunit ng magpapalitrato na ako ng mag isa nag iiyak daw ako dahil sa natakot ako sa kukuha ng aking litrato kaya ang ginawa ng aking ina ay bingyanako ng laruan pero hindi ako tumigil sa pag iyakat nang binigyan ako ng aking ama ng isang daang piso  bigla akong tumigil sa pag iiyak at nagpakuha na ng litrato (wala bata pa lang muka nang pera).

Ako ang nasa gitna sa pinaka taas, nakanganga
        Ako ay apat na taong gulang pa lamag  pinag-aral na ako ng aking mga magulang sa paaralang Maranatha Christian School na kilala ngayon na Maranatha christian Academy at naging ka eskwela ko ang aking pinsan na si Allen Himor , Kinder 1 ako noon at napaka mahiyain  pa nga sa klase kasakasama ko pa noon ang aking nanay upang may mag bantay sa akin habang ako ay nasa eskwela upang ako ay hindi mag iyak at kapag wala ang aking nanay kakasama ko ang aking pinsan na aking ka eskwela . Mmagkasama kaming nag-iintay ng sundo minsan isang araw umawas agad kmi ng maaga pa lamang at hindi alam ng aming mga magulang naghintay kami hanggang hapon bago pa kami masundo. Ako at ang pinsan ko nalang ang natitirang estudyante sa aming paaralan. labing anim kami na nagtpos ng kinder 1 noon.nang sumunod na taon kinder 2 na ako limang taong gulang at ka eskwela ko pa rin ang aking pinsan sa parehas n paaralang iyon. Hindi na ako masyadong mahiyain ng taong iyon at hindi na rin ako masyadong binanbantayan ng aking ina inihahatid nalang ako at sinusundo sa oras ng awasan. Naging asaya ang ikalawang taon ng aking pag-aaral ng kinder dahil mas marami na akong kamag-aral at nasanay na ako sa paaralang iyon sa edad komg lima hindi ko na masydong maalala ang mga nangyari basta ang alam ko naging masaya ako sa paaralang iyon minsan pa nga ay pagkaawas  namin sa eskwela  ay nagpupunta kami sa Jollibee o Mc donald upang kumain ng paborito kong spaghetti at french fries. Minsan pa nga ay naglalaro ako sa palaruan hinuhubad ko ang aking sapatos ako pa nga daw ay may mabahong singaw ng paa, kapag hinuhubad ng aking ina ang aking sapatos naamoy niya ito. Namamaltok pa nga daw ako ng bola sobrang kulit at kapag uwian na at tatawagin na ako ng aking ina nagtatago daw ako para makapaglaro pang muli at minsan umuiyak ako dahil ayaw ko daw umalis sa palaruang iyon 
           
Field demonstration sa SPC grade 2
         Anim na taong gulang na ako ng unang baytang sa elementarya sa San Pablo Colleges o pinaikling SPC ang hindi ko malilimutang pangyayari sa aking pag-aaral ng unang baytang nang ako ay tinawag ng aking guro upang sumagot sa pisara ako ay kinakabaduhan dahil ako ay nahihiya sa aking mga kamag-aral at sa guro at dahil na rin ako ay bago sa paaralang iyon. Pinipilit akong patayuin ng aking guro  ngunit hinding hindi ako noon tumayo unti-unti siyang lumapit at hinila ako papunta sa pisara  ako ay sobrang kinakabaduhan,nanginginig ang tuhod at habang ako ay nasa tapat ng pisara nakinig ko ang tinig ng aking guro na nagwiwikang "tutoy hindi naman kita kakainin pasasagutin lang naman kita sa pisara "eto n nkapagsagot ako ng ako ay umupo na sa aking silya nawalawala na ang anking pagkakaba". Mula noon hindi na ako masyadong nahihiya sa aking nga kamag-aral atguro pati na rin sa iba pang mga tao na nkakasalamuha ko sa araw araw. Nagpapasalamat ako sa aking gurokahit ngayon ai hindi ko na kilala ang kanyang pangalan na siyang tumulong sa akin na labanan ang aking pagiging mahiyain. Siya ang isa sa mga guro na hindi ko malilimutan dahil sa npakalaking bagay na naitulong noya sa akin. Naging napakabait na guro niya sa akin.
           
          Naging pala kaibigan ako dahil mas kilala ko na ang aking nga kamag-aral dahil kaeskwela ko sila nang nakaraang taon. Natatandaan ko pa ang aking mga kakulitan sa paaralang iyon. tuwing oras n ng pagkain ng pananghalian ako ay hinahatiran pa ng aking ama o ina ng aking pagkain kaya ako ay nagaabang sa gate ng aming eskwelahan kapag nahuhli sa oras ng pagdating ang aking tagapagsundo ng pagkain at pagkatapos kumain tatawagin ako ng aking mga kamag-aral upang  maglaro na nagpupunta kami sa ikatatlong palapag ng aming eskwelahan sa palapag ng mga nagkokolehiyo na sa mga oras na iyon ay nagkaklase at sa palapag na iyon ay maghabulan,magpadulas. minsan pa nga ay hinahabol kami ng janitor ng eskwelahan upang pababain dahil dilikado ang palapag na iyon dahil sa madulas na sahig at kung bakit doon pa raw kami naglalaro kahit maron namang palaruan.
           
          Nang taon ding iyon ng una akong makalahok sa field demonstration. Nageensayo kami sa aming gymnasium at minsan pa nga ay sa malawak na quadrangle  kahit
           
         Napatay o pinatay nag aking lolo sa tapat ng paaralang elementarya n kanyang pinagagawa  na para sa mga kabataan sa aming barangay noong ako ay nasa unang bayatang ng elementarya. Mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay at dahil sa hindi pa rin nalalaman o nkikita ang  may pakana o nagplano sa pagpatay sa aming lolo. Sa pagpanaw niya lahat ay nanlumi lalu ang aking lola at buong pamilya ng Himor maging ang malalapit na kaibigan.
           
 field demonstration sa SPC grade 4
          Nasa ikatlong baytang na ako ang taong iyon ay hindi ko masyadong natandaan ito ay halos kaparehas lng ng mga nangyari noon ikalawakong antas sa elementarya at umakyat na ako sa ikaapat na antas ng elementarya dito nagkaroon ulit kami ng field demonstration na ginanap din sa aming eskwelahan. Naging mapangit na ang taong ito para sa akin sapagkat kinakapos na kami ng pang pinansyal naranasan ko ito sa una naming pagsusulit ang hindi makasabay sa pagkuha ng exam ang aking mga kamag-aral dahil na rin sa wla na halos kaming pera na para ipambayad sa aking permit to take test, kapag nakabayad na ako saka lang ako makakakuha ng exam. Ilang beses naulut ang mga pangyayaring iyon umabot hanggang sa 4rt grading ng aming pag-aaral. Minsan na ako ay nagbakasakali na baka ako ay pakuhanin ng exam papasok ako ngunit sa kasawiang palad hindi ako nkakakuha ng test dahil sa sobrang higpit ng patakaran ng eskwelahan. Naghihintay ulit ng ibang araw na magkapera ang aking mga magulang upang makabayad at makakuha ng exam. dito ko natutuhang mag tipid at mag ipon ng pera para may ipang gastos kapag kinakapos ng ibinibigay na pera ang aking ina sa akin. Hindi na ako gumagastos ng para sa mga walang makabuluhang bagay na hindi ko naman masyadong kailangan. Nagkaroon ako ng utang na mahigit sa labing dalawang libong piso na dala ng mga tuition na hindi nabayaran at iba pang mga gastusin sa eskwelahan lahat ng iyon ay dala ko nang ako ay umapak sa ikalimang baytang sa elementarya.dito ko nala man na ang buhay ay maraming pagsubok na dapat na lampasan ng isang tao at hindi hadlang ang kahirapan para makapag-aral.
           
          Napilitan akong lumipat sa pampublikong paaralan dahil sa hindi na kaya ang tuition na binabayaran hanggang sa nkiusap na ang aking ama sa aking guro na kung pwede na mahuhuliang ang apgpapasa ng aking form 137 dahil hindi ito makuha sadati kong pinasukan gawa ng nakabinbing utang. Malapit nang magtapos ang taong iyon nang tumama ang aking ina sa jueteng ng malaki sa tulong ng perang iyon natubos na namin ang aking form 137 at nabayaran na ang natitirang utang. napakasaya ko noon lalu na ang akimg mga magulang dahil hindi sila nawalan ng pag-asana na magawan ng paraan ang aking problema. 
           
          Naging magkaeskwela ulit kame ng aking pinsan,nkakilala ako ng mga bagong ka mag-aral,mga bagong kaibigan at bagong kaaway. Madami ako naging kaibigan sa eskwelahang ito dahil ito lang naman ang natatanging paaralan na pinagawa ng aking lolo bgo siya pumanaw. Isa pa sa mga karanasan ko ang ako ay napaaway sa sobra kong galit pati ang matigas na pinto ng aming silid aralan ay aking nasuntok nagdugo ang aking kamay kaya hanggang ngayon bakas pa ang kaunting peklat na naiwan ng aking pakikipag-away 
           
          Dito narin sa eskwelahang ito ako nag ikaanim na baytang ng elementarya at nakasali ako sa valleyball team ng aming iskul na natatandaan ko pa na sa paaralang pag ibig at pag-asa kami nag eensayo minsan pa nga ay inaasar namin ang mga estudyanteng may mga kapansanan dahil msarap din naman silang kasama masayahin. at dito sa eskwelahang ito na rin ako nagtapos ng elementarya

          Mag uunang antas na ako sa sekondarya hindi ko alam ang gagawin upang makapagenroll sa dizon high salamat nalang ako at nandoon ang aking pinsan na doon ay nagtapos ng sekondarya, nagpatulong ako sa kanya. Kasama ko rin ang aking pinsan sa pagpapaenroll pumila kami ng malayo para lang makapagparehistro 
     
          Unang araw na ng eskwela umpisa na ng paghahanap ng section kung saan nabibilang,silid aralan sa bawat subject atpagpapakilalasa mga guro at mga bagong kamag-aral nahanap ko ang aking section at nkita ko ito na nakahilera sa listahan ng nasa 1-H hindi ko inakala na sa mababang section ako babagsak. Nagkaroon ako ng mga bagong kakilala, mga bagong kaibigan. Sa Pilipino nagkaroon kami ng pagsasadula ng ibong adarna nag ensayo kami ng nag ensayo sa kabutihang palad nakamit  namin ang ikalawang pwesto. Ayos laang iyon sa amin kahit ikalawa lang ang nakuha namin ang maganda noo natuto kaming umakting at magperform sa harap ng maraming guro at sa kapwa estudyante pati na rin sa ibat-ibang tao na nakakasalamuha.Katulad pla sa elementarya mayroon ding field demonstration  sa sekonderya pero mas mahirap na ngayon kapag nageensayo kami sa oval kami sobrang init pero sulit naman ang pageensayo nanalo kami 
         


Ako at ang aking kaibigan na si Meriel
 (JS promp 3rd year)
   Sa ikalawang baytang sa sekondarya naging 2-f naman ako dito at nakakilala ng mga bagong kaibigan at ka eskwela at iba pa. Nagkaroon na naman kami ng field demo at nag perform ang section namen ng Florante at Laura nakapasa ako ng ikalawang antas sa sekondarya. Nakilala ko si Meriel Millave at naging best of friends kami, siya ng kaibigan na laging nandiyan kapag  ako ay may problema

          At naging 3-f ako ng sumunod na taon. Sa taong ito natutong tumambay tambay tuwing hapon pagkaawas sa klase kasama ang mga barkada. mag kaeskwela pa rin kami ng aking bestfriend ang hindi ko malilimutang pangyayari sa taong ito ng nagkaroon ng shuindig sa aming eskwelahan isang contest oara sa mga talentadong Dizonian.Dito nabuo ang grupong tinatawag na Party Pipz isang grupong masayahin,makukulit at laging sama sama kapag may activity sa school. At kapag walang pasok magkakasama kami naggagala.Nag field demo na naman nag science camping pero hindi ako nakasali at ang pinakaaabangan ng lahat ang Junior Senior prominade o J.S naging masaya ang gabing iyon para sa akin dahil naisayaw ko ang aking crush. Kahuluhulihan bago mag tapos ang taon nagpapirma na kami ng clearance 
           
        


     Sa sumunod na taon nagpaenroll ako bilang ikaapat na baytang at huling  taon   ng sekondarya. Nagbago na naman ang aking section ko naging 4-D na ako at ako lang ang kaisa-isang 3-F dati na naging 4-D. Gusto ko sanang lumipat ng section pero nalaman ko na bawal na dahil masyado nang maraming lumilipat ng ibang section kaya naisip ko  na huwag nalang lumipat at mangilala nalang ng mga bagong magiging kaibigan at ka eskwela. Nagkaroon ng sci camp at sa pagkakataong ito ako ay nakilahok na naging masaya ang bawat araw at gabing my aktibidad na ginagawa ng bawat grupo.Nakilahok  pa nga ako sa aktibidad na ginawa sa grandstand ang Egg Drop at sa pagguhit ng larawan na ginanap sa laboratoryo ng eskwelahan. Ang hindi ko mlilimutan na nangyari sa akin noon gabing iyon ay ng mahulog ako sa butas sa madilim na bahagi ng paaralan kasalukuyan ako noon tumatakbo dahil hinahabol kami ng nambabasa ng putik kahit babagong ligo kami.Bakas pa ang peklat na iniwan nito sa aking tuhod.


Ako at ang mga kamag-aral

Ako at si Ace
           

     


          






        Hanggang dito nalang po ang bahagi ng aking maikli ngunit makabuluhang kwento na aking naaalala mula sa aking pagkabata hanggang sa kasalukuyan na ako'y nabubuhay at nalaman ko ang maraming bagay na nakakatawa at mga hindi malilimutang pangyayari ng aking buhay at sa mga hindi nakakilala ng lubos sana makatulong ang mga naibahagi ko para ako makilala ninyo.   
           
          Ang magandang kinabukasan na magmumula sa akin bilang kabataan na may pangarap at may halong pagsisikap sa buhay at ang pagtatapos ng isang yugto na hudyat ng pag-usbong ng bagong kabanata.

SALAMAT.! :))



No comments:

Post a Comment