Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Princess P. Alanguilan

                           



        Noong  ika - 9 ng Hunyo, taong 1995 ako ay ipinanganak.  Ang aking mga magulang ay sina Romeo at Vilma Alanguilan. Pinangalanan nila akong…

Princess  Perito  Alanguilan
 aka “Cheng”


Nagkaroon ako ng kambal na kapatid pero sanggol pa lamang sila’y pumanaw na. Ilang taon ang lumipas, nagkaroon ulit ako ng isa pang kapatid, siya ay si Gabrielle. Nasundan pa ito at ang aming bunso ay si Jazmine. Ang aming masaya, maligaya at mapagmahal na pamilya.
ako at aking kapatid na si Jazmine


Sa edad na apat na taon ako nagsimulang mag-aral. Kinder 1 at Kinder 2 sa Guadalupe I. Dalawang beses akong nag kinder, ayaw pa kasi akong tanggapin dahil bata pa ako noon.

Noong ako’y grade 1 sa Ambray Elementary School, nagging pasaway ako. Sa panahong ito talaga ako nag-umpisang magkaroon ng mga kaaway. Tanda ko pa nga, mayroon akong nakaaway na kapwa ko estudyante, kinuha niya kasi yung aking eraser, tapos nagtataray siya sa akin. Lahat na siguro ng puwedeng gawin ng isang malditang bata nagawa na niya sa akin. Sinugod pa nga ako ng nanay niya. Tinakot niya ako, kesyo lagot daw ako kapag inaway ko pa daw  yung anak niya. Kaklase ko pa nga ngayon yung anak niya pero okay na kami nayon yun naman ay away bata lamang…. May isa pang nanay na nagreklamo dahil umuwing may black eye yung anak niya dahil sa akin. Paanong di ka maiinis sa ganung bata na wala nang ginawa kundi asarin ako?!! Noong araw nay un, kinuha niya yung baunan ko. Inaagaw ko sa kanya, di ko makuha. Sinuntok ko nga. Pagkatapos noon, bigla akong tumakbo sa likod ng aming iskul.


Dahil siguro doon kaya bumaba ang aking seksyon noong ako’y grade 2. Mula seksyon A, naging seksyon C. Naging Masaya naman ako sa seksyon nay un. Sa katunayan nga, nagging honor student pa ako noon. Dahil dito tumaas naman ang aking seksyon. Mula grade 2 hanggang grade 3 naging honor student ako. Sa kasamaang palad, hindi na ko nasabitan ng medalya noong grade 4 hanggang grade 6. Marami kasing kakumpitensya. Tinamad na din siguro ako. Sobrang enjoy ang aking buhay sa elementary. Tanda ko pa nga , mayroon kaming activity na tinatawag na Kid’s Prom. Masayang masaya na kami noon kapag naisayaw na kami n gaming mga crushes. Naging Masaya naman ang aking buhay sa elementary.

        Sa pagpasok ng buhay hayskul, akala ko magiging mahirap ito. Yun pala, hindi ito ganun kahirap, masaya nga eh. Noong  ako’y first year student sa San Pablo Colleges, marami akong natutunan, marami din akong nagging kaibigan, tulad nina Giselle Sacdalan, Reina Balagtas at Andrea Cabrera.. Yung iba plastic, yung iba puwede mong pakisamahan, mababait din naman kasi sila. Lalo na si “Pare”. Tunay niyang pangalan ay Mark Jess. Siya yung una kong naging crush sa iskul na yon. Sa paaralan ding iyon ako unang nagkaroon ng marking 90 sa kard. Dito din ako unang sumayaw sa stage. Karamihan sa mga guro likas na mabait, meron din naming likas na sobrang taray. Mayroon ding sobrang higpit at sobrang papansin. (Hehe) Tanda ko pa, dati puwede kaming tumambay sa library. Bukas lagi ang library para sa mga estudyante. Kwentuhan, minsan nagbabasa. Kapag may activity o may pinasasagutan, doon kami nagpupunta. Palagi ring may misa sa SPC. May maliit kasing chapel doon. Ngunit ng matapos ko ang first year doon, lumipat na ako sa

Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School

 Hindi na kasi kaya ng aking mga magulang ang tuition fee sa SPC kahit na mayroon akong EVS. Nagmahal na kasidoon. Nanibago ako sa takbo ng patakaran sa Dizon high, pati na rin sa iskedyul. Kung dati kailangan pa ng I.D. para makapasok, sa Dizon High kahit wala, okay lang at saka wala ditong security guard. Sobrang luwag o hindi dito mahigpit. Masaya din naman pala dito. Dumami lalo ang aking kaibigan. Halos lahat sa klase puwede mong pakisamahan,kahit na yung iba may kasamaan ng ugali.


Una kong naging ka-close ditto ay sina April Alcantara at Lindsay Alimagno (noong second year, seksyon D). Sobrang salaw ng dalawang yun! Bagamat masalaw, sobrang sarap kasama kaya lang pag minsan nakakainis na…. Naging  Badminton player din ako. Sa panahong kami’y may praktis , nakakaliban kami sa klase. Kasama ko ang aking mga kapwa manlalaro, sila ay sina Diame dela Cruz, Sarah Almeda, Shiara Sabirin, Mark John Carlos, John Paul Morelos, Gilberto Dacdac, at si Kuya Domeng. Kalimitan sa iskul kami nag-eensayo, pag minsan sa Rock 4 Cock. Kapag walang pambayad ang isa sa amin, nag-aambagan kami para makalaro kami lahat. Sayang din kasi ang pagkakataon, minsan lang naman ito mangyayari sa buhay namin.


Naalala ko pa nga during break time na praktis, may tumpok ng kalalakihan kasama nila yung isa kong ka-player doon sa tindahan na katabi lang nung net namin. Nagkukwentuhan sila. Nagbibidahan, puro kayabangan naman, pati ako napapatawa sa pinag-uuspan nila. Nagulat nalang ako ng biglang kinuha nung isang lalaki yung aking cellphone number, tinanong din niya yung pangalan ko. Akala ko naman dun niya tinatanong sa ka-player ko yung pangalan ko, kaya hindi ako naimik. Lumapit yung ka-player ko, pina-type sa cp nung kumukuha yung number ko. John Borris Abril nga pala ang pangalan niya. Pinatanong din niya kung may boyfriend ako, sabi ko wala(hehe). Kinagabihan, nagtext siya kaya lang ang tagal niya magreply. Ilang araw din ang lumipas nakita naming siya ni Lindsay. Tapos, nagkatext ulit kami noong araw na yun. January 14, 2009 ang pinaka-official na ligawan naming. Kinabukasan, January 15, 2009 sinagot ko na siya. Ganun kabilis, pero hanggang ngayon naman kami parin. Pero habang tumatagal lumalabas yung tunay niyang ugali. Mabait naman siya, kaya lang may ugali siyang hindi ko gusto.


Natutuwa talaga ako na kahit minsan nakasali ako sa ganitong event n gaming paaralan at ito ay ang Division Meet. Kaya lang sa di inaasahang pagkakataon, natalo ako. Taga San Cristobal yung nakalaban ko. Meron kasi ako noong araw nay un, tapos wala pang nanood sa akin. Nagpapasalamat parin ako at nakasali ako sa ganun, dahil din dito nakilala ko si Borris. Nakilala na din siya ng aking mga magulang.
       


class picture(third year)
JS picture (third year)


Sa third year, nag-umpisa nang madagdagan ang aking mga kaaway. May nagsasabing ang sama ko daw tumingin, kesyo ang taray daw ng mga mata ko. Kahit na ganun, naging masaya din naman ang taong ito para sa akin.
Nagkaroon kami ng JS Prom. Hindi ko makakalimutan yung first dance ko, si Borris. Nakakahiya nga lang ng kaunti, kasi halos nasa gitna na kami noon, iilan lang ata kaming nagsasayaw. Ganunpaman, memorable ang pangyayaring ito para sa akin.
       

Lahat naman siguro tayo ayaw mapahiwalay kahit isa lang sa ating mga kaibigan. Napahiwalay kasi yung iba sa amin. Kung dati 13 kami, ngayon 9 nalang. Kami nalang nila Janus, Diane, Alvin, Ella, Marec, Rica, April at Lindsay.

Nagpalipat kasi yung isa, si Christina. Sina Ara at Mange napalipat. Ganunpaman, gumagawa parin kami ng paraan para magkita-kita kami. Hindi lang talaga maiiwasang mag-away away. Kaunting ‘di pagkaka- intindihan lang naman ang kalimitang dahilan ng away.






 



aking mga kaibigan
Sadyang napakabilis ng takbo ng oras lalo na sa high school. Parang kahapon lang first year palang kami, pero ngayon ito na, malapit na ang graduation. Tatahakin na namin ang panibagong buhay,  at ito ay ang  buhay sa kolehiyo.


Bagong pakikitungo, bagong pakikisama at bagong mga kaibigan. Sabi nila ‘di madali sa college. Kung sa high school pa-easy-easy lang sa college ‘di aari ang ganitong istilo ng pag-aaral. Kailangang mag-aral talaga ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho. Napaisip tuloy ako, kaya o kaya ito? Masya din kaya sa college?

… Kaya ko ang college at kakayanin ko para matupad ko ang aking mga pangarap.

Para matupad ko ang pangako ko sa aking mga magulang na makapagtapos ng pag aaral, makahanap ng maganda at maayos na trabaho. Tutulong din ako sa pagpapa-aral ng aking mga nakababatang kapatid.

Pangarap ko rin magkaroon ng sariling pamilya at malibot ang magagandang lugar sa  Pilipinas at mapasyalan ang Paris, France.


… See you Paris, France. (after 10 years)

Princess Perito Alanguilan


















                              Ang Aking Talambuhay
                             (Mariche Porcioncula)
ako at aking mga kaibigan
                 Noong si mama po ay nasa Maynila pa lamang pumunta po siya dito sa Laguna upang puntahan ang aking tito ko kasi po dto yun nag tratrabaho sa Brgy Dolores San Pablo City Laguna bali po kasamahan pala ng tito ko si papa sa trabaho noon doon sila nag kakilala ni mama at ni papa bali yung kumpare ni papa ang tumulong upang ligawan si mama wala pa pong isang linggo sinagot na po ni mama si papa. Bali wala pa pong isang buwan niyaya po ni papa pakasalan si mama, sa Cathedral. Ayaw pa nga po ni mama sana gusto kase ni mama sa ilo-ilo sila mag pakasal noon, kaso sabi ng amo ni papa ko sobrang layo naman nun dito nalang para mas malapit at sila nadin   po ang sumagot sa kasal nila mama natuloy din po ang kasal nila noong Nobyembre 6,1988 ika-10 ng umaga noon marami pong handa sila noon kasi marami pong bisita. Tapos ponag kaanak na sila na panganay ayun po ay ang kuya ko ipinangalanan nila ito ng Renante E. Porcioncula tapos sumapit po ang dalwang taon nag kaanak po ulit sila pinangalanan po nila itong Tricia panganay po sa babae at ako naman po ang pangat lo sa panganay pinangalanan po nila akong Mariche E. Porcioncula nung isinilang daw po ako ni mama si mama pa daw po ang kumaon sa mag papaanak sa kanya dahil po si papa ay may trabaho noon tapos po ang kuya ko at ate ay pumapasok kaya yun walang kumaon para mag paanak kay mama buti nalang po  nung kinaon ni mama ang mag papaanak sa kanya ay nandoon sa kanilang bahay pati po noong umuwi si mama sa amin kasama ang mag papaanak sa kanya sumakit lang daw po ng konti ang tiyan ni mama mabilis po kase mag labor sa panganganak noong 3 months baby pa lang po ako noon pinabinyagan  na po ako ni mama at papa bali po namumula mula daw po ako noon,
Add caption
          noong 3 months baby pa lang gusto akong ampunin ng tita ko yung kapatid po ni mama na panganay na babae kasi po ang lusog ko daw po noong baby pa ako at maputi kaso po hindi pumayag si papa at mama na ibigay ako sa tita ko baka daw po itanggi ako ng tita ko na ako ay hindi tunay na anak ni mama at papa kaya ayun hindi na nag anak ang tita ko simula ngayon kahit nag asawa na siya kasi po 49 years old na siya ngayon,noong grade 1 pa lang po ako noon sobrang kulit ko kaya ako ay nalaglag sa puno ng ipil-ipil sumakit ang ulo ko nun dinala po ako ni mama sa hospital, kasi po ay nag sususka ako, noong grade 2 naman po ako noon ay hindi po ako talagang matutong mag sulat ng kabit kabit na sulat, ayun po tinuturuan ako ni ate kaya po nasanay na po ako, tapos noong grade 3  po ako noon  hindi ako magaling sa math lalo na sa divide, nag sanay po ako at pinag aralan ko po ito ng maayos at naging magaling na ako sa math.
class picture
                    Tapos nung grade 4 po ako bumili si papa ng bike unang gamit ko pa lang po ayun sumalpok ako sa poste puro sugat po ang aking tuhod, pero po natuto po akong mag bike noong grade 5 po ako pinag linis po kami ni mam ng CR sinaraduhan po kami ng kaklase namin, sa CR galit na galit po ako sa kaklase ko sabi ko wala siyang magawa kaya siguro ginawa niya iyon, pinagalitan sila ng guro namin. Tapos po noong grade 6 po ako noon naging class President po ako ng aming room, tuwang-tuwa po ako pati ang aking guro, kasi masipag daw po ako hindi na daw po ako kailangan utusan, nag kukusa daw po kasi ako. Tapos po 
ako at si shiela
noong Recognition Day hindi ko po akalain na mag kakaroon po ako ng Most punctual kasi po absent po kasi ako noon  sinabihan po ako ni mam, na mag complete uniform daw o ako ,grade 6 po ako ang pinakamasayang napag daanan ko sa aming paaralan ng elementarya ng San Marcos. Lagi po akong kasali sa mga fieldtrip sa mga program sa school, at sa Girl Scout lagi ako ang sinasali ni mama sa aming 12 na mag kakapatid. Bali ako na lang po ang tumatayong panganay kasi po ang ate ko pinag-aral ng tita ko ng nursing aid, kaso po nag asawa na ngayon kuya ko naman po ay 1st year High School lamang po ang natapos kasi po tamad mag-aral tapos ako po ang nag-iisang mag tatapos ng 4th year High School na pinag aaral ni mama at papa. Noong 1st year High School pa lang po ako noong natakot ako pumasok kasi akala ko mataray ang aming guro, tapos akala ko mahirap ang turo 
ako ng JS
            sa 1st year hindi pala, masaya pala. Noong 2nd year po ako noon wala po akong absent perfect attendance po ako noon kasi po takot akong lumiban sa klase, kasi po pahirap ng pahirap  ang pinag aaralan po namin noon, tapos po noong 3rd year po ako noon ay paborito po ako ni Mrs Lydia Gonzales, kasi po mabait daw po ako at kapag po ako inuutusan agad-agad ko po itong sinusunod noong Setyembre 17, ay nag debut po ako noon invited ko po si mam Gonzales,Kimberly Reginio,Lea Legarde,Shiela Potenciano at iba ko pang kaibigan, at ang dami ko pong handa noon pinag handa po ako ni kuya at ate, ang saya pala po mag debut kapag kumpleto ang pamilya. Tapos po pinayuhan ako ni kuya na huwag daw po gumaya sa kanya kasi ang aga mag asawa, sabi ko po kuya mag aaral ako mabuti para makagraduate ako ngayong 4th year gusto kong tulungan sina mama yun po ang sinabi ko kay kuya papatunayan ko sa kanilang laht na kaya kong makapag-tapos kahit mahirap lang kami. Gusto ko kasing makapag-aral din ang aking mga kapatid na nasa ilo-ilo yung pinag-aaral ng tita ko kasi sabi ko ayokong umasa kami baka kasi po isumbat sa amin bakit dami niyo mag-kakapatid, hindi kayo napg aral ng maayos pero sisikapin kong talaga mag tapos ng aking pag aaral para pag dating ng panahon may maayos na buhay kami, gusto kong iahon sila sa hirap ng buhay.
                                Ang Aking Talambuhay
                                
(Ivy Q. Victorino)
ivy at si inay
    
 Ako si Ivy Q. Victorino ipinanganak ako sa San Pablo District Hospital noong Oktubre 17, 1994. Ang aking ama ay si Salvador C. Victorino at ang aking ina naman ay si Lolita Q. Victorino. Tatlo kami magkakapatid ang panganay kong kapatid ay si Julie Sarah Q. Victorino at ang pangalawa naman ay si John Q. Victorino, sabi daw ng aking mga tiyahin spoiled daw ako dahil lahat daw ng mahiligan ko ay ibinibigay kaagad at bakit daw yung kakaibang pangalan dahil yung dalawa kong kapatid ay nagsisimula sa letrang “J” at ako naman ay letrang “I” dahil habang nag paparehistro ang aking ama ay nakalimutan ang aking pangalan kasi nagtatalo ang aking ama’t ani sapagkat gusto ng aking ama na ipangalan sa akin ay “Ivy” at gusto naman ng aking ina ay Josephine dahil ang dalawa kong kapatid ay nag sisismula sa letrang “J” eh.. baiglang nakalimutan ng aking ama yung gusto ng aking ina kaya yung gusto na lang niya ang sinunod nito. Nang ako ay dalawang taon gulang na ang aking  ama ay pumanaw na kaya ang nag palaki na lang sa amin ang aking ina, kahit na mahirap kaming alagaan kinaya nya pa rin ito at hindi sya sumuko sa aming magkakapatid.
ako at ang aking pinsan
         Habang ako ay lumalaki lalo daw akong kumuklit sabi ng aking tiyahin at lao na daw ako yung nasa ika-1 antas na ako, dahil hindi daw ako laging nagsusulat ang dahilan ko naman daw sa aking guro “bakit pa po ako magsusulat eh..nakikinig naman po ako at naiintindihan ko naman?” hindi na nag salita ang aking guro, nang palapit na ang aming pagsusulit nakalimutan ko sabihin sa aking ina na may pagsusulit kaming darating, nang sumapit na aming pagsusulit hindi pa ako nag-aaral kasi nakalimutan ko na, hindi naman sa pagmamayabang nakakuha ako ng mataaas na puntos sa aming pagsususlit hindi ko akalaing ako ay makakakuha ng ganoong kataas na marka, naalala ko ng pagkataposko sa pagsusulit eh, halfday pala ako tapos ang aking kuya naman ay walang pasok kaya habang hindi pa kami tapos sa aming pagsusulit ako ay binabantayan nya sapagkat hindi pa ako marunong umuwi mag-isa lamang, nang matapos na amg aming pagsusulit biglang nawala ang aking kuya sa tapat ng aming room, edi ang ginawa ko hinanap ko ito kung saan-saan at hindi ko na ito nakita, napaiyak na ako dahl hindi ko nga makita ang aking kuya mga ilang oras naghintay pa rin ako sa tapat ng aming room hanggang sa mawala ang mga tao doon may lumapit sa akin na isang magulang at tinanong ako kung bakit daw ako umiiyak ang sabi ko naman “hindi ko makita ang aking kuya at hindi din ako marunong umuwi mag-isa papunta sa amin” tinanong ulit niya ako “Neng saan ka nakatira?” sabi ko naman sa “Wawa po” tapos bigla akong niyakad tapos ipinunta ako sa sakayan namin at ako ay pinasakay na, tapos bago ako umalis tinanong ulit ako kung alam ko daw ang papuntang sa amin ang sabi ko naman “opo, tanda ko po ang aming dinadaanan ng aking kuya” at umalis na ang aking sinasakyan nang malapit na kami sa Barangay Hall bigla ko naalala na dito kami nababa ng aking kuya at ako ay pumara na at ako ay nagbayad na ng sa nagkakahalagang piso tandang tanda ko pa yan at piso lang ang aking ibinayad sa pagbaba ko, akoy takot na takot sapagkat pagtawid ko baka ako mabangga ng sasakyan eh, hindi pa naman ako marunong tumawid ng kalsada buti na lang may nakita akong isang lalaki na kasabayan doon sa lalaki iyon at ako ay naglakad na pauwi papunta sa aming bahay. 
jhunny at ako
         Nang ako ay nakauwi na bigla ako tinanong ng aking ina “bakit di mo kasama ang iyong kuya?” tapos ang sabi ko naman sa aking ina “nang matapos ang aming pag sususlit bigla nawala sa tapat ng room namin si kuya tapos hinanap ko po kung saan-saan tapos habang ako ay umiiyak biglang may isang luapit sa akin, tapos tinulungan ako sumakay ng mag-isa lang”, nagulat naman ang aking ina at hindi makapaniwala sa nang yari sa akin tapos ng magtanong ulit ang aking ina “paano ka nakatawid nang magisa lamang kung gayon na takot na takot kang lumiban nang kalsada?” ang sabi ko naman ay may roon akong nakitang na isang lalaki na lumiban ng kalsada sumunod ako doon at umuwi na mag-isa sa bahay. Mag gagabi na wala pa ang aking kuya hindi pa ito umuuwi at nag-aalala na aking ina bakit hindi pa daw ito nauwi maya-maya nakauwi na ito at humahagulgol na biglang sinabi sa aking ina na nawala daw ako nang umalis lang daw sya para umihi at sa pagbalik daw nito sa aming room wala na daw ako, kung saan-saan na daw ako hinanap hanggang sa hindi na daw ako makita kaya gabi na ito nakauwi nang makita ko ang aking kuya na nag susumbong sa aking ina, ang sabi ko sa aking kuya “nang matapos na ang aming pasusulit ng paglabas ko wala kana doon tapos hinanap kita kung saan-saan hindi din kita makita” tapos sinabi ko kung paano nga ako nakauwi nang matapos ko ito ikwento sa aking kuya bigla naman ako niyakap at ang sabi sa akin ay “sa susunod hinding-hindi na ulit ako aalis sa tapay ng inyong kwarto sa tuwing pagsusulit nyo”, akala ko kung saan ka na nag punta nag-alala ako mabuti sa iyo simula noon hindi na nga sya umalis. 
ako at si jhunny
             Bakasyon na noon namaaksidente naman ako sa bike ng aking kuya nag uunahan kami ng pinsan ko na makauwi sa bahay eh ang gamit ko pa noon ay bike ng kuaya ko, nang malapit na kami nawala ako ng balanse bigla akong tumumba at ako ay napadali sa gate namin, ng ako ay tumayo na napahawak ako sa aking baba dahil nabali nga ito, nang makita ko sa aking kamay may mga dugo, noong una ayaw ko pa ito ipakita sa aking ina dahil pagagalitan ako nito, ng ipinakita ko naman sa aking ate bigla naman ito nagulat dahil ang dami ngang dugo sa baba ko, kaya dali-dali ang aking ate na pumunta sa kwarto ng aking ina at sinabi nga na ang dami kong dugo, dali-dali naman kami pumunta sa Hospital, naka tatlong stiches ang inabot ko, habang tinatahi ang sakit ai’…, ito ay tanda ng aming paghahabulan ng aking pinsan. 
ivy
        Noong High School na ako pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School dito ko natutunan kung paano makisama sa kapwa at makilahok sa iba at kung anu-ano pa man. Ngayong 4th year High School na ako hinding-hindi ko makakalimutan ang JS Prom namin kahit na hindi kami masyadong marami sa aming pangkat ay masaya pa rin kami papaano, ito ang pinakamasaya kong JS kaysa noong nakaraang taon nakakatuwa talaga ang dami na nag sayaw sa akin kaysa noong isang taon. Hinding hindi ko talaga ito makakalimutanat dito na nag tatapos ang aking talambuhay.
ako at ang aking magulang
                                                              Talambuhay ni Yna San Agustin
                        Noong ikinasal ang aking ina ay nasa sinapupunan na niya ako. Lima at mag-aanim na buwan niya akong dinadala noon habang siya ay kinakasal. Sa kanyang paglilihi sa akin ay mahilig siya sa maliliit na bagay, kapag siya ay namamalengke na tutuwa siya sa maliit na sibuyas at kamatis. Pinaglihi nya ako sa balot at bigla niyang inayawan ang sisiw ng balot. Kaya nag karoon ako ng balat sa tuhod na kurteng bulaklak.
Ako ay isinilang niya noong ika-31 ng Hulyo taong 1994 sa Crispina Park, Bagong Bayan San Pablo City. Binigyan nila ako ng pangalang YNA SAN AGUSTIN dahil pinagsama nila ang pangalang Yvette Sanciangco at Napoleon San Agustin. Ang letrang Y ay sa aking ina at ang letrang NA ay sa aking ama.
kinder ako
Ako ay inalagaan at tinuruan ng aking ng aking ina hanggang sa ipasok na niya ako sa kinder ng apat na taong gulang at mag lilimang pa lamang ako noon. Hindi pa ako tinanggap sa unang baitang dahil bata pa daw ako kaya pinag kinder ulit ako ng aking ina. Pitong taong gulang na akong ipinasok sa unang baytang sa paaralang Bagong Bayan. Nasa unang baytang pa lamang ay marunong na akong mag bihis at pumasok nang mag-isa dahil inihabilin muna ako sa aking sa aking tiya. Ang tiya ko rin ang nagpapabaon sa akin araw-araw. Malapit lang naman ang bahay ng aking tiya kaya hindi ko na kailangang mag binalot. Pagkagaling ko sa eskwela gagawin ko na ang mga dapat gawin. Pinababasa nya rin ako ng libro nagagalit sya sa akin kapag hindi nya naririnig na nagababasa ako. Hanggang sa ako at nasanay na ko sa araw-araw na ginagawa. Nang mag karoon ng program sa aming paaralan ay kasali ako sa mga sasayaw excited na kasi akong sumayaw noon kaya dinala ko na ang damit na susuotin na alam kong hapon pa naman iyon gaganapin. Hindi ako umuwi noon pumunta muna ako sa bahy ng kaklase ko ang hindi ko alam nag-aalala na pala ang aking ina. Nang bunalik na ako sa paaralan ay naandoon ang aking ina at umiiyak sya akala nya kase may masama ng nangyari sa akin. Napagalitan pa at nakurot tinatanong nya ako kung bakit hindi ako umuwi,meron akong sabit noong iklalawang baytang at noong araw na iyon ay kinuha na ako ng aking ina. Nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na kaming mag kakaibigan kahit di pa kami gaanong mag kakakilala. Nang umuwi na ako sa aming tunay na bahay ay hindi ako kilala ng aking kapatid na si Aries sapagkat bata palang ng mag kahiwalay kami. Pero nalaman din nya na ako ang ate nya. Natatandaan ko dahil sa isinulat ko ay muntik na kong mamatay dahil ang nakasulat ko ay muntik na kong mamatay dahil ang nakasulat ay “sana hindi na lang sya ang tatay ko” nabasa nya iyon nagalit sya sa akinat binugbog ako sinakal pa ko buti nalang napigilan ng aking ina, kaya ko lang naman nagawa iyon ay dahil lagi din niyang inaaway ang aking ina. Noong mga panahong iyon ay walang hanap buhay ang aking ama. Hindi ko rin malilimutan na sa mismong kaarawan ko pa ay nag away sila at sa galit ng aking ama ay naipaltok niya ang baso sa aking mukha na syang dahilan kung bakit ako ay may peklat sa kanang pisngi kaya ang ayoko sa lahat ng okasyon ay ang aking kaarawan sapagkat sumugat na ito sa aking ala-ala. Ayoko na sanang alalahanin pa.Nang sa ikatlong baitang ay inilipat na ako ng aking ina sa paaralang BRANZZA Memorial School na malapit sa aming lugar. Nag karoon na naman ako ng mga bagong kaklase at mga kaibigan mababait naman sila sa akin. Naging paborito ako ng aking guro na si Mrs. Alvero dahil tahimik at masipag daw akong mag aral. Kaya nakakakuha ako ng matataas na marka.Nang mag apat na baytang na ako ay bumaba na ang aking mga marka napabayaan ko ito,kasabay ko ang aking kapatid sa pag pasok sa paaralan minsan nagsasakay kami pag may pamasahe pero pag wala ay maglalakad na lang, masaya rin ang mga nangyari sa akin ng apat na baytang. Ika-limang baytang na ako ay mayroong nanliligaw sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Binibigyan pa nga nya ako ng sulat na may kasamang bulaklak pero hindi ko iyon tinatanggap. Hindi pa rin sya sumusuko kaya sinabi ko sa kanya na wala akong gusto sa kanya, at tumigil na sya sa kakakulet. Ika-limang baytang pa rin ako ay nag karoon ng camping sa Caliraya sa mga girl scout lang at kasama ako doon. Hindi ko alam na may gusto pala sa akin yung kaibigan kong tomboy, kaya ko lang nalaman ay may nakapag sabi sa akin pero hindi ko masyadong inintindi ito dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.Ika-anim na baytang na ko wala masyadong itinuro ang aming guro. Araw-araw na kaming nagbubunot ng damo,minsan wala ang aming guro kaya walang nagbabantay sa amin. Naglaro kaming Spirit of the Glass nag dasl ng limang beses kailangan daw kase nakahanda na kami at may nagtanong biglang gumalaw yung baso natakot kaming lahat kaya tinigil na namin iyon. Marami pang nangyari sa aming magkakaibigan mga masasayang bagay. At gumaraduate na kami yung iba kong kaklase ay umiyak pero ako hindi. Mag kakahiwahiwalay na kaming mag kakaklase.
when I was 3years old
my friends and I
Enrollment na sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at doon ako pumasok. Kasama ko ang aking ina sa pagpapa-enroll dahil hindi ko pa kabisado iyon. Nalaman ko na ang seksyon ko ay “D”. Unang araw ng klase wala pa akong kakilala sa aming room sa isa na si Christian Ace Glorioso dahil simula grade three ay kaklase ko na sya. Ang aming adviser ay si Mrs Pascoat inayos nya na kami sa upuan ayon sa pagkakasunod-sunod ng aming apilyedo. May nakatabi ako at tinanong nya kung ano ang pangalan ko si Anjeneth Rivera sapagkat masaya syang kasama at mabait din. Marami na kong kakilala noon gaya nila April Alcantara, Alvin Bigata, Diane Dela Cruz, Lyndel Arroyo at marami pang iba. Naging masaya ang aking First year. Second year High School na ay ganoon pa rin ang seksyon ko unang pasukan ay may nakakahiyang nang yari sa akin dahil pag baba ko sa tricycle biglang akong nadulas napa upo ako sa basa buti na lang may tumulong sa aking isang lalaki hindi ko manlang nakita ang mukha nya dahil na nakatungo ako at hindi ako nakapag pasalamat sa kanya. Matapos ang pang yayari ay umuwi na ko pumasok na lang ako kinabukasan. Ang aming adviser ay si Mrs. Bidula mahusy syang mag turo. Si Mr. Hernani Ang ay guro namin sa math kapag walang ginagawa ay nag papatalent show sya kapag masaya kami kapag sa time ng math. Nag karoon ng fieldtrip at sumama sa amin isa na ko ron. Ang una naming pinuntahan ay sa GSIS Meusium makikita doon ang ibat ibang painting. Sunod naming pinuntahan ay sa Manila Ocean Park makikita doon ang abat-ibang klase ng mga isda tulad ng clown fish, flashlight fish, stingray at marami pang iba. At nag kuhaan kami ng picture pag katap noon ay pumunta kami sa souvenir store at bumili ako ng isang souvenir. Ang pangatlo naming pinuntahan ay sa Mall of Asia kumain lang kami at namasyal.Third year High School na ako ganoon pa rin ang aking seksyon. May mga nag sasabing mahirap daw ang mga lesson ng third year pero kahit mahirap ay nag-aaral pa rin akong mabuti. Ang gusto kong guro ay si Ms. Lee at ang tinuturo niya ay Filipino. Lagi akong sumasagot sa mga tanong nya tungkol sa pinag-aaralan at tama naman ang aking sagot. Nagkaroon ng pala bunutan kung ano ang mabunot na kabanata ay iyon ang irereport, kapag mag rereport kailangang naka buod na at may ilang tanong na dapat sagutin. Nang mag rereport na ko ay kinakabahan ako pero nagawa ko naman ito ng maayos. Mabababa ang mga marka ko kase mahirap ang ibang subject, mahirap pero masaya.
ako at aking dabarkads
Ngayong Fourth year na ko huling taon na sa High School, masaya pa rin ang mga kaklase ko may ibang bagong kaklase pero mabilis ko namang silang nakilala. Nalulungkot ako dahil hindi ako nakasali sa Junior and Senior Prom dahil mahirap ang buhay kulang sa pera. Noong isang taon hindi rin ako nakasali sa JS prom kase sabi ng aking ina ay bawal daw sumali Iglesia ni Cristo naiintindihan ko naman ang aking ina at aming kalagayan. Kaya bubutihan ko ang aking pag-aaral para magkaroon ako ng magandang trabaho at matutulungan ko na ang aking pamilya.Kahit may problema nandyan ang mga kaibigan ko handa nila akong tulungan. Masaya ako pag kasama ko sila sa paaralan pero pag-uwi sa bahay lagi nang naka daing ang aking ina hindi nya alam kung kanino mangungutang para pambaon naming magkakapatid. Minsan nga nag hanap kaming trabaho ng mga kaibigan ko para kaming mga tanga naka PE uniform pa kami noon pero wala pa naman kaming klase noon. Hindi namin kung saan kami mag hahanap ganong wala pa naman kami sa tamang edad hindi namin alam kung ano ang pumasok sa isip namin dala ng mga problema sa bahay.                             Dinadaan na lang namin sa tawanan at biruan.
                     Pabilis ng pabilis ang mga araw at malapit na kaming gumaraduate at sisikapin ko pang mabuti para matuwa naman sa aking mga pamilya ko.

                                      Ang Aking Talambuhay
                                  (Kimberly Alvarez Reginio)
ako nung graduate nung kinder
             Ganap na ika-tatlo ng umaga noong Setyembre 15, 1994 ay isinilang ang isang batang babaeng nag ngangalang Kimberly Alvarez Reginio sa isang Hospital ng San Pablo. Ito ay bunga ng pag mamahalan nina Gemma Reginio at Nolasco Reginio.At ang batang babaeng tinutukoy dito ay ako, si Kimberly Alvarez Reginio, ang pangalan ng aking magulang ay sina Gemma Reginio ang aking ina,Nolasco Reginio ang aking ama. At apat kaming mag kakapatid panganay kong kapatid ay si Ma. Cristina Reginio na 3rd year College na sa paaralang Canossa Colleges, at pangalawa kong kapatid ay si Mark Anthony Reginio na tumugil sa pag-aaral, at ako ang pangatlo sa magkakapatid sa Col. Lauro d. Dizon Memorial National High School na isang graduation student sa high school, at ang bunso kong kapatid na pang-apat sa mag kakapatid ay si Kathleen Reginio 1st year High School sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School din napasok. Anim sana kaming mag kakapatid ngunit namatay ang dalwa kong kapatid nung isinilang ito, pero sabi ng nanay ko kung nabuhay daw yung dalwa kong kapatid ay wala sana kaming dalwa mag kapatid ako at ang bunso,  nung namatay yung dalwa kung kapatid ay sobrang lungkot daw ng aking ina at ama, ngunit nabiyayaan sila ng ng anak ay nawala ang kanilang lungkot, naging masaya ulit sila. Sabi ng aking ina nung bata daw ako pinag sasabi daw ako ng numero tapos tinataya nila sa “weteng” lagi daw tumatama kaya sabi nila ay swerte daw ako. 
mga pinsan ko
             Nung ako’y tutungtong na sa kinder ay naka dalwang kinder ako nun isa dito sa amin at isa sa Ramirez Kiddie Learning Center, ay dun ako natutung magbasa, magsulat, mababait ang mga naging guro ko doon at magagaling sila. At nung ipasok na ako sa Centrang School upang sa unang baitang ay hindi ako tinanggap dahil dati ay pitong taong gulang dapat ang unang baitang ngunit anim na taong gulang lamang ako, pero pinapasok pa rin nila ako ngunit saling pusa nga lang kung tawagin, pero nag grade 1 ulit ako at dun ay tuloy-tuloy na ang aking pag-aaral. Marami na akong napag daanan tulad ng pag sagot sa unahan kasi hiyang-hiya ako pag sumasagot ako pag ako ay sumasagot sa unahan,at namumula pa ako noon. Marami akong naging kaibigan at mga kalaro, minsan nga nag lalaro kami ng tinatawag na “chinese” o luksong lubid, kapag tanghalian pagkatapos kumain, isa pang laro namin yung tinatawag nilang “jackstone” kapag wala yung guro namin noong nasa ika-anim na baitang kami. At patuloy ang aking kasiyahan hanggang sa makagraduate ako sa ika-anim na baitang.
kinder ako
     At nung ako ay tumuntong na sa High School ay lalo akong  nahirapan dahil bagong kaibigan, wala na yung dati na kalaro, wala nang laro-laro para bang nag dadalaga na daw ako. At nag 1st year High School ako sa Liceo Da San pablo, ipionasok ako ng aking ina doon dahil nakakuha ako ng scholar ngunit naging mahirap din ang pag-aaral ko doon dahil sa tuwing mag eexam ay talagang nag hahanap ng pera ang aking ina upang makakuha ako ng exam kahit late na nag eexam pa din ako. Kya napag usapan nang nanay at tatay ko na ilipat na lang ako sa public school dahil pati mag cocollege ate ko noon, kaya inilipat nila ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at dun ako tumulay ng 2nd year at nung nag enroll ako sa dizon ay inilagay nila ako sa seksyong “2-D”, di ko alam kung sino mga kaklase ko kaya nilaksan ko na lang ang aking loob upang makisama sa kanila, pero yung iba kong kaklase ay di ko pinapansin lalo na ang mga lalake dahil nangungulit sila, kulbit ng kulbit pero di ko sila pinapansin, ung iba naman ay kilala ko na dahil kaklase ko sila nung elementarya ako,yung iba ay naging close ko na din mababait naman pala sila at madami na din akong naging kaibigan. 
kaming magkakapatid
           At nang aku’y nag 3rd year na sa sekyong “3-D” ay lalong dumami ang aking kaibigan, at madami akong mga natutunan at nalaman dahil sa mga guro kong magagaling at masipag, pati na sa mga kaibigan ko. Ngunit madami din akong mga nagagawang masama na hindi alam ng akng magulang tulad ng di pag pasok sa eskwelahan “cutting” at mga kalokohan tulad ng pag boboyfriend na talagang ikinagagalit ng aking magulang lalo na ang aking ama. At nung 2nd year na ako ay sinuway ko sila nag boyfriend nga ako ngunit di nila alam, masaya nung una ngunit nag hiwalay kami dahil madaming problema, doon ako nakaramdam ng sakit kaya sabi ko di na ko mag seseryoso sa lalake pero sabi ng pinsan ko sa akin may dadating pa daw na higit sa kanya, kaya simula noon nag-aral ako ng mabuti upang pataasin ang aking marka. 
             
         At dumaan pa ang madaming problema sa akin tulad ng pag-aaway ng aking ina at ama at nag layas ang aking ina at nung lumayas siya ay hinanap namin siya kahit gabing gabi na pero di namin nahanap kaya umuwi na lang kami sa bahay ngunit mga ilang oras ay umuwi din ang aking ina at ang sabi ay di daw niya kaming iwan, napaiyak na lang kaming laht, kala namin tapos na ang away pero di pa din sila nag uusp ang nanay at tatay ko, kaya minsan patago kaming nag iiyak na mag kakapatid… ngunit mga ilang buwan ay nag usap din sila sa kadahilanang para sa aming mag kakapatid, upang masaya na at walang away at gulo.At nung tumuntong na nga ako sa 3rd year High School masyado akong nahirapan sa mga subject, tulad na lang sa math, kaya mabababa ang aking mga markang nakukuha. At sa mga kaibigan ko naman ay wala akong problema dahil mababait naman silang kasama at masaya pa. Madami na ding kalokohan ang nagawa ko tulad ng pag-cucutting o pag liban sa klase, kaya bumababa ang aking marka.
ako na to ngayon
      

       At ngayong na nga ay nasa 4th year high school na ako isa na akong graduation student na sana ay makagraduate. Masyado pa lang madaming ginagawa pag graduation student, daming project, assignment at iba pang gawain, kaya pipilitin kong makapag tapos. At ito ang aking talambuhay.
      









Thursday, February 17, 2011

                    Ang Aking Talambuhay
                       (Ricardo Gohok Himor)

           
            Ako si Ricardo Gohok Himor ipinanganak noong setyembre 20 1994 ng aking inang si Celia Himor  sa San Pablo City Laguna. Ang aking ama ay si Resty Himor. Ako ay isang katoliko at puro ang pagiging lahing pilipino. simulat sapol ako daw ay napakamahiyain. 
           

Isang taong gulang 
            Nang ako ay nag isang taong gulang napakasaya ko daw dahil marami akong natanggap na regalo mula sa aking mga ninong,ninang at sa aking mga pinsan. Habang nagkakasayahan sa aming bahay kinuhanan ako ng litrato kasama ang aking mga pinsan at ang aking ina kitang kita na lahat kami ay masaya lalu na ako na kita pa ang ngipin na dadalawa pa lamang.
           
     

Ako sa ikalawang taong
 gulang
        Dumating na ang aking ikalawang kaarawan naging masaya na naman ako sabi ng aking ina dahil sa mga palarong naganap sa aking kaarawa at sa mga handang pinagsalusaluhan ng aking mga ninong,ninang at iba pang mga personalidad na inimbita ng aking mga magulang lahat naging masaya ngunit ng magpapalitrato na ako ng mag isa nag iiyak daw ako dahil sa natakot ako sa kukuha ng aking litrato kaya ang ginawa ng aking ina ay bingyanako ng laruan pero hindi ako tumigil sa pag iyakat nang binigyan ako ng aking ama ng isang daang piso  bigla akong tumigil sa pag iiyak at nagpakuha na ng litrato (wala bata pa lang muka nang pera).

Ako ang nasa gitna sa pinaka taas, nakanganga
        Ako ay apat na taong gulang pa lamag  pinag-aral na ako ng aking mga magulang sa paaralang Maranatha Christian School na kilala ngayon na Maranatha christian Academy at naging ka eskwela ko ang aking pinsan na si Allen Himor , Kinder 1 ako noon at napaka mahiyain  pa nga sa klase kasakasama ko pa noon ang aking nanay upang may mag bantay sa akin habang ako ay nasa eskwela upang ako ay hindi mag iyak at kapag wala ang aking nanay kakasama ko ang aking pinsan na aking ka eskwela . Mmagkasama kaming nag-iintay ng sundo minsan isang araw umawas agad kmi ng maaga pa lamang at hindi alam ng aming mga magulang naghintay kami hanggang hapon bago pa kami masundo. Ako at ang pinsan ko nalang ang natitirang estudyante sa aming paaralan. labing anim kami na nagtpos ng kinder 1 noon.nang sumunod na taon kinder 2 na ako limang taong gulang at ka eskwela ko pa rin ang aking pinsan sa parehas n paaralang iyon. Hindi na ako masyadong mahiyain ng taong iyon at hindi na rin ako masyadong binanbantayan ng aking ina inihahatid nalang ako at sinusundo sa oras ng awasan. Naging asaya ang ikalawang taon ng aking pag-aaral ng kinder dahil mas marami na akong kamag-aral at nasanay na ako sa paaralang iyon sa edad komg lima hindi ko na masydong maalala ang mga nangyari basta ang alam ko naging masaya ako sa paaralang iyon minsan pa nga ay pagkaawas  namin sa eskwela  ay nagpupunta kami sa Jollibee o Mc donald upang kumain ng paborito kong spaghetti at french fries. Minsan pa nga ay naglalaro ako sa palaruan hinuhubad ko ang aking sapatos ako pa nga daw ay may mabahong singaw ng paa, kapag hinuhubad ng aking ina ang aking sapatos naamoy niya ito. Namamaltok pa nga daw ako ng bola sobrang kulit at kapag uwian na at tatawagin na ako ng aking ina nagtatago daw ako para makapaglaro pang muli at minsan umuiyak ako dahil ayaw ko daw umalis sa palaruang iyon 
           
Field demonstration sa SPC grade 2
         Anim na taong gulang na ako ng unang baytang sa elementarya sa San Pablo Colleges o pinaikling SPC ang hindi ko malilimutang pangyayari sa aking pag-aaral ng unang baytang nang ako ay tinawag ng aking guro upang sumagot sa pisara ako ay kinakabaduhan dahil ako ay nahihiya sa aking mga kamag-aral at sa guro at dahil na rin ako ay bago sa paaralang iyon. Pinipilit akong patayuin ng aking guro  ngunit hinding hindi ako noon tumayo unti-unti siyang lumapit at hinila ako papunta sa pisara  ako ay sobrang kinakabaduhan,nanginginig ang tuhod at habang ako ay nasa tapat ng pisara nakinig ko ang tinig ng aking guro na nagwiwikang "tutoy hindi naman kita kakainin pasasagutin lang naman kita sa pisara "eto n nkapagsagot ako ng ako ay umupo na sa aking silya nawalawala na ang anking pagkakaba". Mula noon hindi na ako masyadong nahihiya sa aking nga kamag-aral atguro pati na rin sa iba pang mga tao na nkakasalamuha ko sa araw araw. Nagpapasalamat ako sa aking gurokahit ngayon ai hindi ko na kilala ang kanyang pangalan na siyang tumulong sa akin na labanan ang aking pagiging mahiyain. Siya ang isa sa mga guro na hindi ko malilimutan dahil sa npakalaking bagay na naitulong noya sa akin. Naging napakabait na guro niya sa akin.
           
          Naging pala kaibigan ako dahil mas kilala ko na ang aking nga kamag-aral dahil kaeskwela ko sila nang nakaraang taon. Natatandaan ko pa ang aking mga kakulitan sa paaralang iyon. tuwing oras n ng pagkain ng pananghalian ako ay hinahatiran pa ng aking ama o ina ng aking pagkain kaya ako ay nagaabang sa gate ng aming eskwelahan kapag nahuhli sa oras ng pagdating ang aking tagapagsundo ng pagkain at pagkatapos kumain tatawagin ako ng aking mga kamag-aral upang  maglaro na nagpupunta kami sa ikatatlong palapag ng aming eskwelahan sa palapag ng mga nagkokolehiyo na sa mga oras na iyon ay nagkaklase at sa palapag na iyon ay maghabulan,magpadulas. minsan pa nga ay hinahabol kami ng janitor ng eskwelahan upang pababain dahil dilikado ang palapag na iyon dahil sa madulas na sahig at kung bakit doon pa raw kami naglalaro kahit maron namang palaruan.
           
          Nang taon ding iyon ng una akong makalahok sa field demonstration. Nageensayo kami sa aming gymnasium at minsan pa nga ay sa malawak na quadrangle  kahit
           
         Napatay o pinatay nag aking lolo sa tapat ng paaralang elementarya n kanyang pinagagawa  na para sa mga kabataan sa aming barangay noong ako ay nasa unang bayatang ng elementarya. Mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay at dahil sa hindi pa rin nalalaman o nkikita ang  may pakana o nagplano sa pagpatay sa aming lolo. Sa pagpanaw niya lahat ay nanlumi lalu ang aking lola at buong pamilya ng Himor maging ang malalapit na kaibigan.
           
 field demonstration sa SPC grade 4
          Nasa ikatlong baytang na ako ang taong iyon ay hindi ko masyadong natandaan ito ay halos kaparehas lng ng mga nangyari noon ikalawakong antas sa elementarya at umakyat na ako sa ikaapat na antas ng elementarya dito nagkaroon ulit kami ng field demonstration na ginanap din sa aming eskwelahan. Naging mapangit na ang taong ito para sa akin sapagkat kinakapos na kami ng pang pinansyal naranasan ko ito sa una naming pagsusulit ang hindi makasabay sa pagkuha ng exam ang aking mga kamag-aral dahil na rin sa wla na halos kaming pera na para ipambayad sa aking permit to take test, kapag nakabayad na ako saka lang ako makakakuha ng exam. Ilang beses naulut ang mga pangyayaring iyon umabot hanggang sa 4rt grading ng aming pag-aaral. Minsan na ako ay nagbakasakali na baka ako ay pakuhanin ng exam papasok ako ngunit sa kasawiang palad hindi ako nkakakuha ng test dahil sa sobrang higpit ng patakaran ng eskwelahan. Naghihintay ulit ng ibang araw na magkapera ang aking mga magulang upang makabayad at makakuha ng exam. dito ko natutuhang mag tipid at mag ipon ng pera para may ipang gastos kapag kinakapos ng ibinibigay na pera ang aking ina sa akin. Hindi na ako gumagastos ng para sa mga walang makabuluhang bagay na hindi ko naman masyadong kailangan. Nagkaroon ako ng utang na mahigit sa labing dalawang libong piso na dala ng mga tuition na hindi nabayaran at iba pang mga gastusin sa eskwelahan lahat ng iyon ay dala ko nang ako ay umapak sa ikalimang baytang sa elementarya.dito ko nala man na ang buhay ay maraming pagsubok na dapat na lampasan ng isang tao at hindi hadlang ang kahirapan para makapag-aral.
           
          Napilitan akong lumipat sa pampublikong paaralan dahil sa hindi na kaya ang tuition na binabayaran hanggang sa nkiusap na ang aking ama sa aking guro na kung pwede na mahuhuliang ang apgpapasa ng aking form 137 dahil hindi ito makuha sadati kong pinasukan gawa ng nakabinbing utang. Malapit nang magtapos ang taong iyon nang tumama ang aking ina sa jueteng ng malaki sa tulong ng perang iyon natubos na namin ang aking form 137 at nabayaran na ang natitirang utang. napakasaya ko noon lalu na ang akimg mga magulang dahil hindi sila nawalan ng pag-asana na magawan ng paraan ang aking problema. 
           
          Naging magkaeskwela ulit kame ng aking pinsan,nkakilala ako ng mga bagong ka mag-aral,mga bagong kaibigan at bagong kaaway. Madami ako naging kaibigan sa eskwelahang ito dahil ito lang naman ang natatanging paaralan na pinagawa ng aking lolo bgo siya pumanaw. Isa pa sa mga karanasan ko ang ako ay napaaway sa sobra kong galit pati ang matigas na pinto ng aming silid aralan ay aking nasuntok nagdugo ang aking kamay kaya hanggang ngayon bakas pa ang kaunting peklat na naiwan ng aking pakikipag-away 
           
          Dito narin sa eskwelahang ito ako nag ikaanim na baytang ng elementarya at nakasali ako sa valleyball team ng aming iskul na natatandaan ko pa na sa paaralang pag ibig at pag-asa kami nag eensayo minsan pa nga ay inaasar namin ang mga estudyanteng may mga kapansanan dahil msarap din naman silang kasama masayahin. at dito sa eskwelahang ito na rin ako nagtapos ng elementarya

          Mag uunang antas na ako sa sekondarya hindi ko alam ang gagawin upang makapagenroll sa dizon high salamat nalang ako at nandoon ang aking pinsan na doon ay nagtapos ng sekondarya, nagpatulong ako sa kanya. Kasama ko rin ang aking pinsan sa pagpapaenroll pumila kami ng malayo para lang makapagparehistro 
     
          Unang araw na ng eskwela umpisa na ng paghahanap ng section kung saan nabibilang,silid aralan sa bawat subject atpagpapakilalasa mga guro at mga bagong kamag-aral nahanap ko ang aking section at nkita ko ito na nakahilera sa listahan ng nasa 1-H hindi ko inakala na sa mababang section ako babagsak. Nagkaroon ako ng mga bagong kakilala, mga bagong kaibigan. Sa Pilipino nagkaroon kami ng pagsasadula ng ibong adarna nag ensayo kami ng nag ensayo sa kabutihang palad nakamit  namin ang ikalawang pwesto. Ayos laang iyon sa amin kahit ikalawa lang ang nakuha namin ang maganda noo natuto kaming umakting at magperform sa harap ng maraming guro at sa kapwa estudyante pati na rin sa ibat-ibang tao na nakakasalamuha.Katulad pla sa elementarya mayroon ding field demonstration  sa sekonderya pero mas mahirap na ngayon kapag nageensayo kami sa oval kami sobrang init pero sulit naman ang pageensayo nanalo kami 
         


Ako at ang aking kaibigan na si Meriel
 (JS promp 3rd year)
   Sa ikalawang baytang sa sekondarya naging 2-f naman ako dito at nakakilala ng mga bagong kaibigan at ka eskwela at iba pa. Nagkaroon na naman kami ng field demo at nag perform ang section namen ng Florante at Laura nakapasa ako ng ikalawang antas sa sekondarya. Nakilala ko si Meriel Millave at naging best of friends kami, siya ng kaibigan na laging nandiyan kapag  ako ay may problema

          At naging 3-f ako ng sumunod na taon. Sa taong ito natutong tumambay tambay tuwing hapon pagkaawas sa klase kasama ang mga barkada. mag kaeskwela pa rin kami ng aking bestfriend ang hindi ko malilimutang pangyayari sa taong ito ng nagkaroon ng shuindig sa aming eskwelahan isang contest oara sa mga talentadong Dizonian.Dito nabuo ang grupong tinatawag na Party Pipz isang grupong masayahin,makukulit at laging sama sama kapag may activity sa school. At kapag walang pasok magkakasama kami naggagala.Nag field demo na naman nag science camping pero hindi ako nakasali at ang pinakaaabangan ng lahat ang Junior Senior prominade o J.S naging masaya ang gabing iyon para sa akin dahil naisayaw ko ang aking crush. Kahuluhulihan bago mag tapos ang taon nagpapirma na kami ng clearance 
           
        


     Sa sumunod na taon nagpaenroll ako bilang ikaapat na baytang at huling  taon   ng sekondarya. Nagbago na naman ang aking section ko naging 4-D na ako at ako lang ang kaisa-isang 3-F dati na naging 4-D. Gusto ko sanang lumipat ng section pero nalaman ko na bawal na dahil masyado nang maraming lumilipat ng ibang section kaya naisip ko  na huwag nalang lumipat at mangilala nalang ng mga bagong magiging kaibigan at ka eskwela. Nagkaroon ng sci camp at sa pagkakataong ito ako ay nakilahok na naging masaya ang bawat araw at gabing my aktibidad na ginagawa ng bawat grupo.Nakilahok  pa nga ako sa aktibidad na ginawa sa grandstand ang Egg Drop at sa pagguhit ng larawan na ginanap sa laboratoryo ng eskwelahan. Ang hindi ko mlilimutan na nangyari sa akin noon gabing iyon ay ng mahulog ako sa butas sa madilim na bahagi ng paaralan kasalukuyan ako noon tumatakbo dahil hinahabol kami ng nambabasa ng putik kahit babagong ligo kami.Bakas pa ang peklat na iniwan nito sa aking tuhod.


Ako at ang mga kamag-aral

Ako at si Ace
           

     


          






        Hanggang dito nalang po ang bahagi ng aking maikli ngunit makabuluhang kwento na aking naaalala mula sa aking pagkabata hanggang sa kasalukuyan na ako'y nabubuhay at nalaman ko ang maraming bagay na nakakatawa at mga hindi malilimutang pangyayari ng aking buhay at sa mga hindi nakakilala ng lubos sana makatulong ang mga naibahagi ko para ako makilala ninyo.   
           
          Ang magandang kinabukasan na magmumula sa akin bilang kabataan na may pangarap at may halong pagsisikap sa buhay at ang pagtatapos ng isang yugto na hudyat ng pag-usbong ng bagong kabanata.

SALAMAT.! :))